Chapter 58

2.4K 71 6
                                    

Nagising ako nang nakakulong sa bisig ng mga magulang ko. I yawned as I got up. The day has just started, but the fact that I slept and woke up beside my parents, I could say that this is one of the best days in my life!

I checked the time on the wall clock and it's 8 AM. Dahil ayaw ko silang magising, para akong uod kung gumapang pababa sa kama. Phew! I never thought it'd be so hard!

Hindi ko alam kung gising na ang iba o natutulog pa. Alas tres ng umaga natapos ang inuman ng mga lalake. Hindi kasama si Daddy, syempre. Kami namang mga babae ay kuntento na sa kwentuhan hanggang sa nagsi-uwian na ang ibang bisita.

Maingat akong lumabas sa kwarto. Nasa CR ng kwarto namin ni Azure ang mga gamit ko para sa personal hygiene. Kaya heto ako at panay ang bati sa nakakasalubong na mga kasambahay kahit wala pang mumog at suklay.

"Good morning po!"

"Magandang umaga po!"

"Kumusta po? Kumain na po kayo?"

Those are the few words that came out from my mouth. Okay naman ang itsura ko at mas lalong hindi ako bad breath, pero mas naging conscious ako simula nang nagka-ayos kami ni Azure at nakilala ko ang pamilya ko.

Mahimbing pa ang tulog ng mag-ama ko pagkapasok ko sa kwarto namin. Kumuha ako ng bagong towel at pumili sa mga damit na pinahiram sa akin ng mga pinsan ko bago pumasok sa CR.

Muntik na akong madulas nang mabungaran si Azure sa tapat ng pintuan. Inipit ko ng mabuti ang tuwalya sa kili-kili ko.

"Good morning!" I tiptoed and gave him a kiss.

Kagigising niya pa lang kaya hirap pa siyang makita ng maayos ang mukha ko. Nakapikit ang kaliwang mata niya habang ang kanan ay naniningkit. Nakita ko ang sleep marks sa kanang pisngi niya nang itinagilid niya ang kanyang ulo. He's topless so I took the chance to put my hands on his bare chests. The I moved my fingers down to his sculpted abdomen. Napangisi siya sa ginagawa ko. And when I looked on his sweatpants, kitang-kita ko ang naka-umbok na ebidensya sa gitna.

Sinuklay niya ang kanyang buhok bago ako niyakap sa baywang. He then brushed his lips on my left ear. "Good morning..." his husky voice tingled me.

Our position gave him access to carry me. Sinipa niya ng mahina ang pinto ng CR at dinala ulit ako sa loob niyon. Kumapit ako ng maigi sa kanyang leeg at nilingon si Isla. Nakapalibot sa kanya ang malalaking unan kaya sigurado akong hindi siya mahuhulog. At saka hindi naman siya malikot matulog.

"Eat some more, anak," pinigilan ko si Mommy nang tangkain niyang maglagay ng kanin sa plato ko.

"Tama na po 'yung kinain ko, Mommy. Kailangan kong mag-diet kasi next week na po ang start ng shooting ng TV show ko."

"Oh!" Nilapag ni Mommy 'yung lalagyan ng kanina. "I see, anak. Can we watch?"

"Count me in, anak. We would like to see your workplace," si Daddy.

Nagtaas ng kamay si Kuya Marc at tumango. Hanggang sa lahat ay nakataas na ang mga kamay maliban kay Azure. I wondered why? Ang anak nga namin ay game na game na naki-join at pumalakpak pa.

Ngumiti ako. "Oo naman po! Pwedeng-pwede kayong sumama! Mas lalo po akong ma-i-inspire kasi nando'n kayo!"

"I'll clear my schedule for you, Ate," said Symphony. Gano'n rin ang sinabi ni Harmony.

"No problem, anak. Basta't para sa 'yo," ani Tita Melody. Hinawakan niya ang kamay ni Tito Eddie at nginitian nila ako.

Bumangon ang excitement at kaba sa dibdib ko! Technically, this isn't the first time dahil nakasama ko na si Genyka sa set noon. My foster parents never really gave time to accompany me. But who cares? I'm talking about my family in here. The one and only; the legit one.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon