Chapter 27

1.9K 68 3
                                    

Napapikit ako, halos maluha sa liwanag ng naglalakihang mga spotlight na nakatutok sa akin. Sa aking harapan ay prenteng nakaupo si Ms. Paz. Katabi niya ay ang camera man na si Tigloy kung kanilang tawagin. Sa likod nila ay nakatayo ang Manager ko na si Alice na katabi naman ang personal assistant/stylist/make up artist ko.

"Okay! In 3...2...1... Go!" malakas na sigaw ni Ms. Paz.

Ito na ang hudyat kaya huminga ako ng malalim. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko nang senyasan ako ni Tigloy.

"I'm Kirsten Buenaflor. 22 years old. Lumaki ako sa Payatas. Nanirahan ako sa Bulacan ng siyam na taom bago ako nakilala ni Mr. Alcantara. Natapos ko ang kursong Travel Management sa isang pribadong paaralan. Nakapasok ako doon dahil sa pa-scholarship ni Mayor. Ngayon ay wala pa sa isip ko ang maging flight attendant dahil ang trabaho kong ito ang priority ko sa ngayon."

Noong nakaraan ko pa sinabi kay Ms. Paz ang mga importanteng pangyayari sa buhay ko. Kailangan na lang niya ng buod para sa intro kaya kami nandito.

"Puro katotohanan ba ang sinabi mo Ms. Kirsten?" Tanong ni Ms. Paz.

Puro katotohanan ang lahat ng sinabi ko maliban sa pinaka-importanteng detalye sa buhay ko.

"Yes, Ms. Paz. Puro katotohanan po ang mga sinabi ko," sabi ko at inayos ang natuping laylayan ng dress ko.

"Good," irap niya. "Sa Lunes na ang meeting kasama ang direktor at ibang artista. See you there, hija. Don't be late," seryoso niyang sinabi.

"Okay po, Ms. Paz. Thank you po ulit," hindi niya na narinig ang mga sinabi ko. Lumabas kasi 'agad siya na parang diring-diri sa presensya ko.

Well, 'di ko naman siya masisisi. Beterano na siya at ngayon pa lamang ako nakikilala sa showbiz industry.

"Thank you, Ms. Kirsten," napatingin ako kay Tigloy na natapos na sa pagliligpit ng kanyang mga gamit.

"Thank you din, Tigloy," wika ko at tumayo na.

Lumapit ako kina Alice at Mikee. Natawa ako. Nakikita ko sa mga mukha nila ang reaksyon ko dapat kanina sa inasal ni Ms. Paz.

"Sssshhh," natatawa kong banta sa kanila.

Pinanood namin ang pag-alis ni Tigloy bago nila ako hinila palabas sa studio.

"Naiirita ako sa bruha na 'yon! Akala mo kung sino! Gigil ako!" Narindi ako sa matinis na tinig ni Mikee. Ang sakit sa tainga!

"Pabayaan mo na siya, Kirsten. Ang mahalaga, matunog ang iyong pangalan sa industriyang ito. Ang kailangan nating gawin ay panatilihin 'yon," ani Alice.

Nakinig lang ako sa mga sinasabi ng dalawa hanggang sa makarating kami sa parking lot. Nakaparada doon ang van na binili ko na galing sa mga kinita ko sa aking mga commercial at sa aking pag-e-extra sa tv shows at pelikula. Sa ngayon, ay ito pa lang ang kaya ko. May pinag-gamitan kasi ako noon at hindi pa naman gano'n kalaki ang naipon ko ngayon kaya sa mas importanteng bagay ko muna ilalaan.

"Nagugutom na ako. Saan ba tayo kakain?" tanong ni Mikee sa gilid ko.

"Sa pinakamalapit na resto na lang siguro. Gutom na rin ako, eh," sabi ko habang diretso lang ang tingin sa daan.

Inulit ni Mikee ang sinabi ko sa driver at bodyguard kong si Mang Rey. 'Agad niyang niliko ang sasakyan nang makakita kami ng restaurant.

"Ngayon ang grand opening ng restaurant na 'yan ayon sa kanilang Facebook page! Swerte natin!" hagikgik ni Alice pagkababa namin ni Mikee.

Tama siya dahil punong-puno ang restaurant. Mukhang hindi 'ata kami makakakain dito.

"Table for four, please," sabi ni Mikee sa waiter na sumalubong sa amin.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon