Nang nakarating kami sa tamang palapag ay saka lang bumitaw sa akin si Azure. So, he was just insecure. Nothing less. Nothing more.
"We'll go to building no. 5," he plainly said before we stepped out of the elevator.
Hindi ako umimik. Tahimik lang akong nakasunod sa likuran niya. Habang naglalakad ay nararamdaman ko ang vibration ng cellphone ko. It's Yuan, of course. Wala ako sa mood makipag-usap kaya hindi ko na lang iyon pinansin.
Pinantayan ko si Azure. "Sino'ng kaibigan mo ang ikakasal?"
"Kurt," he said without looking at me.
Oh! Si Kurt Soriano, ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan pala ang ikakasal.
Dumaan kami sa malaking garden ni Azure bago ulit kami pumasok sa isang building. Nilibot ko ang paningin ko. Mabuti na at kaunti lang ang mga tao dito. Wala ring nakakakilala sa akin kaya mas magiging kumportable ako.
Kinalabit ko na si Azure dahil mukha siyang lutang habang naglalakad. "Ano ba'ng balak mong i-regalo sa ikakasal? Do you have something on your mind?"
Mabilis na tingin ang iginawad niya sa akin bago nagsalita. "Kurt's soon-to-be wife wanted to stay at one of the water villas in Maldives. I was planning to pay their honeymoon expenses, but he didn't let me do that."
"Talagang hindi papayag si Kurt. It's his wedding. Sigurado ako na pinag-handaan niya iyon. Kayang-kaya niyang ibigay ang gusto ng fiancé niya," sabi ko sabay nguso.
Kung si Azure ba naman ang kaibigan niyo, baka lahat ng gastusin sa kasal ay sagutin niya na. Kunin ko rin kaya siyang sponsor sa kasal ko? Ano, Kirsten? Pinitik ko ang noo ko.
Nilingon ko si Azure. Kahit naglalakad kami ay sa akin siya nakatingin. Gulat na gulat siya sa pinaggagawa ko.
"Are you insane? Sana ako ang inaya mong pumitik diyan sa noo mo," walang preno niyang sinabi.
At talagang gustong-gusto niya 'yong nasasaktan ako?
Kung bakit siya tumatawa mag-isa ay hindi ko alam. Siya itong baliw sa aming dalawa, eh. Napapalingon tuloy sa amin ang ibang tao. Inunahan ko nga sa paglalakad.
Hinapit ni Azure ang baywang ko. "Where are you going, huh? Lumagpas kana."
Tiningnan ko 'yung tinutukoy niya. Umangat ang gilid ng labi ko nang hinigit niya ako papasok doon.
Hinawakan ako ni Azure sa mga braso ko. Pagkatapos ay hinarap niya ako sa kaniya. Napangiwi ako sapagkat ilang segundo niyang tinitigan 'yung dibdib ko bago niya ibinaba ang tingin sa mga paa ko. Pinasadahan rin niya ng tingin 'yung mga damit na nakasabit sa rack sa gilid.
"Isasama mo ako sa kasal nila?" nakangiti kong tanong.
Tumango siya at sinenyasan 'yung sales lady na parang uwak kung makatitig sa kaniya.
"I need you to accompany her. Give everything she wants," utos niya bago umupo sa isang white wooden chair.
Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ang ngiti. Patago kong tinaasan ng kilay 'yung sales lady. Nangingiti si Azure nang napansin iyon.
Nilagpasan namin siya. Tumungo 'agad ako sa tapat ng isang rack. Hinugot ko 'yung dress na sa isang tingin pa lang ay nagustuhan ko na.
"Small lang po ang size niyo, Ma'am?" tanong ng sales lady.
Inabot ko sa kaniya 'yung dress. "Oo, small lang."
Bago siya tumungo sa stock room ay ibinilin ko ang kulay na gusto ko para sa dress na iyon.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...