Chapter 60

3.2K 100 8
                                    

Note: This is the last chapter.
Up Next: Azure's Point of View

Malinaw pa sa sikat ng araw ang katotohanang narinig ko mula sa pamilya ni Giselle. Ngunit bakit hindi ko man lang alam na matagal na pala siyang nakakulong? I came back from Japan, but no one dared to say anything about it. Why? Because it would only remind me of the past and I would be miserable again?

Nagpa-uwi ako kay Kuya Ronald sa condo ko para mag-empake ng mga damit na gagamitin ko sa nalalapit na shooting. Sa kabila ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon, hindi ko pa rin maaaring kalimutan ang trabaho ko.

Binuksan ko ang pinto. It felt weird because I haven't sleep here for days. Pagkabukas ko sa mga ilaw, muntik na akong atakihin nang makita si Azure sa couch.

Hinawakan ko ang dibdib ko at napa-sandal sa pader. "Gosh, Azure! You could've turned on the lights!"

Pumalatak siya. "Nagulat at natakot ka ba? A taste of your own medicine, perhaps?"

Pinalitan ko ng pambahay na tsinelas ang heels na suot ko. Dinaluhan ko si Azure sa living room. Umupo ako sa tabi niya at naki-inom sa kanyang malamig na tubig. I can't help but look at him. Halatang kakagising lang niya dahil sando at boxer shorts lang ang suot niya. Hindi ko nga lang mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha. I don't know if he's mad or worried about me.

Nilapag ko ang baso. I gave my full attention to him. "Paano mo nga pala nalaman na pupunta ako dito?"

"Because I know you better than anyone else." Inirapan niya ako. "Can I ask you now? Where have you been? Sobra kaming nag-alala sa 'yo!"

Hinawakan ko ang mga balikat niya para kumalma siya. Effective naman, pero may bahid pa rin ng pagtatampo sa kanyang mukha.

"I told you I needed to be alone. Dinala ako ni Kuya Ronald sa Rizal. Kumain kami sa karinderya na pagma-may-ari ng pamilya ni Giselle. At pwede ko bang malaman kung bakit hindi nakarating sa akin ang balitang ipinakulong mo ang babaeng 'yon?"

Tinanggal niya ang mga kamay ko sa mga balikat niya at hinawakan ang mga 'yon. Binasa niya ang kanyang mga labi at tiningnan ako ng nangungusap niyang mga mata. Sa totoo lang, hindi 'yon sapat na dahilan para magalit ako sa kanya. I was relieved to know that he had given me the justice I deserved. Gusto ko lang talagang malaman kung bakit niya 'yon inilihim sa akin.

"You ran away from us to recover. Alam kong kahit nasa malayo ka na, patuloy mo pa ring iisipin ang mga nangyari sa 'yo dito—pati na ang mga taong nagkasala sa 'yo. Siguro, kung nalaman mo 'agad, mas mapapadali ang paghilom ng mga sugat na iniwan ng nakaraan mo sa 'yo. I'm sorry kung hindi ko sinabi. Naisip ko kasi na masyado ka nang nasasaktan kaya nag-desisyon ako ng mag-isa. Ayaw ko lang na sa oras na bumalik ka, bubuhos ulit sa 'yo 'yung mga ala-ala ng kahapon. Gusto ko kasi na sa pagbalik mo, maayos na lahat ng problema mo. Gusto ko na sa pagbalik mo, ang panibagong yugto sa buhay mo na lang ang iintindihin mo."

See? Look what the past did to Azure. He's more matured and manly enough to do the right things. If I were in his shoes, I would do the same and I wouldn't think twice. Thanking him is easy, but it needs a lot of courage and sincerity to prove that it's true.

Dinala ko ang sarili ko sa kanyang mga bisig. We don't need to say anything. Just a tight hug would be enough to express how deeply we are in love with each other. A hug that was filled with so much longing and passion.

Naka-indian seat ako sa kama habang pabalik-balik ang tingin kay Azure at sa maletang nasa harapan ko. Nag-volunteer siya para sa pag-e-empake ng mga damit ko.

"How did you know that I haven't used this yet?" turo ko sa see-through blouse na nilagay niya.

He grinned. "Because the price tag was still attached to it. At 'wag ka mag-alala, hindi mo pa naisusuot 'yung mga nilagay ko d'yan sa maleta."

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon