Chapter 3

3.7K 111 9
                                    

Nagising ako sa malamig na kwarto nina Tatay at Nanay. Humikab ako at bumangon. Bababa na sana ako sa kama nang natanaw ko ang kutson na hinihigaan ng mga magulang ko.

Parang may humaplos sa puso ko. Pwede naman silang tumabi sa akin, pero hindi nila ginawa. Itinuturing talaga nila akong prinsesa...

Dahan-dahan akong tumungo sa banyo nila. I did my morning rituals. Ginamit ko muna ang sabon nila dahil hindi rin naman ako makakapasok sa kwarto ko.

Bumaba ako at maglilinis sana nang naalala ang party kagabi, ngunit aakalaing walang naganap na kasiyahan sa sobrang linis ng bahay namin. Naisip ko na lang na magluto ng agahan para sa aming lahat.

I scanned the refrigerator. Umaasa kasi ako na may natira pang mga pagkain. Wala na pala. Ni shanghai ay walang natira. Siguro ay pinag-balot ni Nanay ang mga kapit-bahay namin.

Natapos ako sa pagpi-prito ng bacon nang nagpakita si Alice. Sumalampak 'agad siya sa upuan. Nananatiling nakapikit ang mga mata niya. Ang tuktok ng ulo niya ay nagmistulang pugad ng ibon sa gulo.

"Good morning..." napapaos niyang sinabi.

Tumaas ang kilay ko. Inilapag ko ang plato sa lamesa. "Good morning!"

Tinalikuran ko siya. Alice's butt was glued on the chair so I decided to make a coffee for her.

"Tayo ang magbabantay sa main branch ng grocery store ngayon. Aalis sina Nanay para tingnan 'yung lote sa Quezon City na binebenta ng kakilala nila..."

Hinihilot ni Alice ang kanyang sentido. Dumilat siya at tumingin sa direksyon ko.

She cleared her throat. "O-Okay... Ngayon na ba?"

"Pwede naman... Kung ayaw mong mag-almusal..." patuya kong sinabi sabay lapag ng tasa sa harapan niya.

Bago niya mahuli ang kamay ko ay tumakbo na ako palayo. Kumuha ako ng paglalagyan ng sinangag. Naamoy 'ata nina Nanay, Tatay, at Mikee ang mga niluto ko kaya sa isang iglap lang ay naka-upo na silang lahat sa kani-kanilang upuan.

Kami lang ng mga magulang ko ang nag-uusap habang kumakain. Naging attentive lang ang dalawa nang napunta ang usapan sa flight namin mamaya patungong Singapore. Doon gaganapin ang shooting ng commercial ko para sa isang brand ng cellphone.

"Ano'ng oras ng flight mo, anak?" Tanong ni Tatay.

Nilunok ko muna 'yung kinakain ko. "Mamayang 10pm po. 'Wag niyo na po kaming ihatid sa airport. Magta-taxi na lang po kami..."

"Magpa-hatid kayo kay Robert. Hindi naman siya busy. 'Di ba, Tay?" Akala siguro ni Nanay ay hindi ko nakita ang paniniko niya kay Tatay.

Nabitawan ni Tatay 'yung kutsara. "O-Oo! 'Yung sasakyan ko na lang ang gamitin ninyo, anak. 'Tsaka magaling mag-maneho si Robert. Safe na safe kayo sa kanya."

Sumabat si Mikee. "Kung ganoon, ano po 'yung nabalitaan namin kahapon na nabangga ni Robert 'yung L300 sa tindahan ng buko?"

What? Hindi ko narinig iyon, ah? Kailan iyon sinabi? Nung wala na ako sa kwarto? Napatingin ako kay Mikee. Kinindatan niya ako. Hindi naman makatingin si Alice.

"Hindi naman sinasadya ni Robert. 'Yung tindero ang may kasalanan dahil hinahabol niya raw ang isang SUV..." pinagtanggol pa talaga siya ni Tatay.

Mas lalo akong maiilang kung si Robert ang maghahatid sa amin. Mabuti na lang at may naisip akong suhestiyon.

"'Yung sasakyan ko na lang po ang dadalhin namin para may magamit kami pag-uwi. Si Mikee ang magma-maheho. Iiwan na lang po namin sa Park 'N Fly para less hassle..."

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon