Inilaan namin ang ikalawang araw namin sa Singapore sa pamamasyal. We went to the famous Universal Studios and Sentosa. We also rode the cable car, overlooking the city skyline. Bukod doon ay namili kami ng sangkatutak na pasalubong sa Orchard Road.
"These are their new collections, right? Goodness, Kirsten!" Ani Alice habang hawak ang isang set ng matte lipstick na binili ko para sa kanya.
Tumango ako. "Yeah, I saw them on their website earlier. I knew you'd like them."
Sa tuwa ay napa-yakap siya sa akin. "Thank you so much, Kirsten! Matagal ko 'tong inaabangan!"
Bumungisngis ang nasa gilid naming si Mikee. Hawak niya ang mga paper bag. Wala siyang idea na ang relo na binili namin kanina ay para sa kanya. I told them that it was for Tatay. Alam kong gustong-gusto niya iyon kaya binili ko na. And I wasn't able to give him a gift on his birthday last March. It's now or never...
Yes, my best friends are working for me. Makatarungan naman ang pera na pinapa-sahod ko sa kanila, pero madalas ay tinatanggihan nila iyon. Tinatanggap lang nila kung kailangan talaga. They just wanted to be there for me. They'd stick with me as long as they could. They would always support me in every way they could. At hindi ko mararating ang kinaroroonan ko ngayon kung wala ang tulong nila—kung wala sila sa tabi ko. I know that those little things would make them happy. Mga materyal na bagay man, but that was my way to thank them.
Narito kami ngayon sa Starbucks. Nasa labas kami dahil magyo-yosi na naman sina Mikee at Alice. Palinga-linga ako sa paligid, umaasa na makikita ko ulit si Azure.
"Sino ba'ng hinahanap mo?" Sinusundan ni Alice ang tinitingnan ko.
I sighed. "I saw Azure last night. Sa tulay..."
Nanlaki ang mga mata niya. "What? Sigurado ka ba? Ba't 'di namin siya nakita?"
"Hindi ko alam... Bigla na lang din siyang nawala, eh..." I couldn't hide the disappointment on my face.
Lumabas si Mikee dala ang mga in-order namin. Sinabi 'agad sa kanya ni Alice ang pinuputok ng buchi ko.
"Kaya pala nawala ka sa mood pagbalik natin sa hotel kagabi!" aniya sabay sindi sa kanyang sigarilyo. Ganoon din ang ginawa ni Alice.
"Grabe talaga ang tadhana, ano? After six months ay nagkita rin kayo sa wakas!" ani Alice na para bang matagal ko nang hinihintay ang pagkakaton na iyon.
I sipped on my Caramel Macchiato. Tumagilid ako para hindi ko malanghap ang usok na ibinubugha ng mga sigarilyo nila.
"Gusto mo? Para mawala 'yung stress mo..." inalok ako ni Alice ng isang stick.
"Ayoko mag-yosi. 'Di niyo ko mapipilit," I said with finality.
"Wala na rin akong narinig na balita tungkol kay Azure pagkatapos ng shooting. Baka nag-travel...with his girlfriend..." napatingin ako kay Mikee dahil sa sinabi niya.
Ibinaba ko ang inumin ko. "S-Sa tingin niyo, may girlfriend na kaya siya?"
Natawa si Alice. "Hello? That man was obviously a beast in bed! Siya 'yung tipo na hindi dapat nawawalan ng girlfriend. At sa tingin niyo ba, mag-isa lang siya dito? No way! He's with someone and they're probably rocking the bed right now!"
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...