Chapter 30

1.9K 60 4
                                    

Gumising ako ng maaga. 10AM ang meeting at kailangan naming mauna doon dahil nakakahiya kung kami ang late. Sa pangalawang pagkakataon, ang modeling career ko ang maging daan upang maabot ko ang pinaka-inaasam ko kaya hindi ako maaaring mabigo sa parteng ito.

Napaka-swerte ko dahil napunta ako sa PEN o Philippine Entertainment Network, pinaka-malaking network sa buong bansa. Madaming opportunities ang naka-abang at ayaw kong mawala ang lahat ng 'yon dahil lang sa late kami.

Nabasa ko ang text ni Alice. Nasa baba na siya at naghihintay. Mabuti na lang at nakapag-ayos na ako.

"Wow, girl!" pumalakpak si Alice nang makita ako. "Parang hindi meeting ang pupuntahan, ah!"

Ngumisi ako. "Alangan namang magmukha akong gusgusin, Alice. Tandaan mo, first impressions last," hinawi lang ng bruha ang buhok niya sa sinabi ko.

"Oo na! Tara na nga. Daming hanash!"

Natawa ako doon. Natalbugan ko kasi siya sa porma namin ngayon. Casual lang ang suot ni Alice samantalang ako ay naka-black backless dress.

Nasa biyahe na kami pero panay ang bulong ni Alice.

"Akala mo inosente 'pag nakaharap pero lumilipad ang kaluluwa 'pag nakatalikod..."

Ngumisi ako. "Manahimik ka na nga dyan, Alice."

Kabado kami ni Alice habang naghihintay dito sa 5th floor. Ayon sa kanya ay parating na sina Ms. Paz. Talaga nga naman! Pati si Ms. Paz ay lumipat rin at makakasama ko pa!

"Pag-uusapan lang naman dito kung kailan ang shooting. Ipapakilala ka sa producer, sa director, at sa mga taong makakasama mo. Papapirmahin ka din para sa contract agreement."

Tumunog ang cellphone ko. May sinend na picture si Mikee. Binuksan ko 'yon. Dahil sa picture ng anak ko ay lumakas ang loob ko kahit paano.

"They're here," bulong ni Alice.

Tumayo kami upang salubungin sina Ms. Paz Gardose. Agaw pansin siya dahil sa kanyang suot. Mas revealing pa kaysa suot ko.

"This way please," aniya at iginaya kami patungo sa conference room na nasa tapat lang ng waiting area.

Kasing lamig na 'ata ng aircon dito sa conference room ang katawan ko. Naaalala ko na naman kasi ang contract signing mamaya. Sana lang ay maagang matapos ito dahil mapapahiya talaga ako sa mga Big Boss ng PEN. Kung bakit naman kasi magkalapit pa ang schedule? Naiihi na tuloy ako sa kaba!

Magkatabi kami ni Alice. Katabi rin namin ang ibang artista na makakasama ko. Kahit ang mga artista na gaganap bilang sina Mikee at Alice ay nandito rin.

Ipinakilala ni Ms. Paz Gardose ang kanyang sarili bilang Casting Director. Sunod na nagpakilala si Mr. Gilbert Robles, ang Director. Napansin ko na panay ang sulyap sa akin ng Assistant Director na si Yuan Chen.

"Hi, Miss Kirsten Buenaflor. Finally..." tinatanggap ko ang nakalahad niyang kamay. In fairness, ang gwapo ng lalake na 'to. Mukhang hindi lang basta-bastang tao.

Pagkatapos kong batiin ang iba ay bumalik na ako sa aking upuan at nakinig kay Direk. Dahil katapat ko si Yuan ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Nakatingin din naman siya sa akin. Naramdaman ko ang takong ni Alice sa ibabaw ng paa ko. I bit my lower lip.

"Magsisimula ang shooting bukas. 5AM. Sa Payatas ang setting kaya dapat ay nasa set na ang lahat 1 hour before the actual shoot starts," ani Direk Gilbert.

"Oh my God! Sa Payatas talaga?" pabulong na sinabi ni Catherine Ongpauco sa katabi niya. Siya ang gaganap na Alice.

Halos mapunit ang hawak na panyo ni Alice. Narinig din pala niya.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon