Epilogue

5K 153 44
                                    

Final Note: This is the end of Love Me, Hate Me. It's so hard to let Azure and Kirsten go, but I want to thank y'all for supporting me since the beginning up until the end.

Let me dedicate this to those people who've been through a lot of hardships and failures. Please, don't stop believing in yourself and, lift everything up to Him. Just carry on, and you will see the light after the dark.

—————

A Z U R E

Nasa kasagsagan ako ng pagtulog nang tumawag si Aerand. Sinagot ko at pupungas-pungas akong tumingin sa orasan.

3 AM?!

"Tangina mo! Bakit?" bungad ko bago pa siya makapag-hello.

"Same to you, bro!" Pansin kong mas mababa ang energy niya kaysa sa normal. "Kurt's here. Tara! Let's drink to death!"

Bumangon ako at sumandal sa headboard. "Ba't hindi ka na lang magpakamatay mag-isa at nandadamay ka pa?"

Naka-loudspeaker kaya narinig ko ang tawa ni Kurt sa background. "Come on, dude? Kailangan tayo ni Kupal!"

Tsk. Heartbroken shit. Bakla ba 'to at kailangan pang magpa-comfort?

"Kaka-graduate mo lang sa Harvard at kakarating mo lang din sa Pilipinas kaya marami kang utang sa 'min! Bring our pasalubong! Dito tayo sa condo ko!" sabi ni Aerand bago ako binabaan ng tawag.

Tinanggal ko ang comforter sa katawan ko at pikit-matang naglakad papunta sa banyo para maglinis ng katawan. Pagkatapos kong magbihis, tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Kumuha ako ng papel at naghanap ng ballpen.

You must be gone by the time I came back.

Nilapag ko ang note sa bedside table at lumabas na sa guest room ng penthouse.

Nagmaneho ako papunta sa Pasay. Bumili na rin ako ng mga alak at pulutan na dadalhin ko sa lungga ni Aerand. Mag-a-alas kwatro nang dumating ako.

Pinagbuksan ako ni Kurt 'at hindi ako nasiyahan sa nakita ko. Ba't may kasama silang babae sa living room?

"Ba't may babae dito?" padarag kong binigay kay Kurt ang mga supot na dala ko.

Hinagisan ako ni Aerand ng beer in-can na 'agad kong sinalo. "Kailan pa naging allergic si Azure Lorenzo sa mga babae?"

Hinubad ko ang sapatos ko at pinalitan ng pambahay na tsinelas. Sinabayan ako ni Kurt sa paglalakad.

"Hayaan mo na si Constantia dito, man," bulong niya.

Constantia? Ano 'yon? Font style?

"May problema kasi siya sa agency nila. May naka-alitan siyang model," dagdag niya.

Pakialam ko ba sa problema ng babae niya? Akala ko ba si Aerand ang bida dito?

Umupo ako sa bakanteng sofa. Nahihimigan ko ang paninitig sa akin ni Constantia. Umangat ang gilid ng labi ko at binuksan ang lata ng beer.

"Constance, dear. Where were we?" si Kurt sabay akbay sa babae niya.

Nagkatinginan kami ni Aerand at parehong napangisi. Kung tutuusin, si Constantia ang tipo ko—maamo ang mukha at hindi mukhang maldita. But Kurt's already banging her so...

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon