Chapter 47

1.9K 81 5
                                    

Ang dagat ng media ang sumalubong sa akin. Flashes from the cameras were directed at me. Good thing that I wore my aviators, kung hindi ay nasilaw na ako ng tuluyan.

Yuan held my waist as we walk down the airplane's stairs. Iniihipan ng hangin ang mahaba kong buhok. The weather is cold and windy which is unusual dahil buwan ng Abril ngayon.

Yuan chuckled. "I told you, the weather would be cold and windy!"

Iyon ang sinabi niya bago kami umalis. That's the reason why I'm wearing an all-black outfit that consists of cami, fur coat, leather skinny pants, and ankle boots.

Tumapak ako sa red carpet. The security was really tight. Nasa magkabilang gilid namin ang mga reporter na sapilitang hinawi para lang makadaan kami.

"Kirsten, are you planning to go back to L.A. after your contract with PEN?" Tanong ng isang reporter.

"Congratulations for winning that prestigious award, Kirsten! I've seen the movie! You were really amazing!" Sabi naman ng isa.

Looking back from the past six months, all I could say is that I made the right decision...

After that interview with Axle Lazaro, hindi pa rin tumigil ang mga tao, pero nabawasan sila kahit paano.

PEN suspended me for a month. Hindi nila pinalagpas ang ginawa ko kay Noreen. But that's okay. Mabuti nga 'yon dahil hindi ko na kinailangang pumunta doon para lang sugurin ako ng fans niya.

Some companies that I've worked with belittled me. They removed my ads and billboards. They pulled out the products who had my face and name on it.

Hindi ako lumalabas sa unit ko, takot na baka atakihin ng mga tao. May isang beses kasi na dinumog nila ako dito sa condo at pinagtulungan. Azure arrived. Pinagtutulak niya ang mga babae na nakapalibot sa akin.

Lumuhod siya at niyakap ako para hindi na masaktan. "Stop harassing Kirsten or I'll hit all of you so you could feel the pain that you had inflicted on her!"

Hinawakan ng mga bodyguard niya ang grupo ng mga babae at inilayo sa akin. Doon ko lang nakita ang mga kalmot at galos sa katawan ko.

"Hindi na sila makakalapit sa 'yo. Hindi na, Kirsten. They can never hurt you as long as I'm here," bulong niya na nagpa-iyak sa akin.

Gumawa na naman ng panibagong issue ang fans ni Noreen dahil sa ginawa ni Azure. Dahil doon ay dumating rin ang kinakatakutan ko.

"Kirsten! Take a look at this!" Alice rushed inside my room.

Pinatahimik ko siya dahil kakatulog lang ni Isla. She sat beside me. Pinakita niya sa akin ang mga litrato kung saan ginawang katatawanan ang anak ko. Kumakalat pa sa mga social media na may sakit ang anak ko kaya namatay ito. Nagpagawa pa ng pekeng lapida na may pangalan ng anak ko.

Ibinalik ko ang cellphone kay Alice. I couldn't look at it. Ang isipin lang ay hindi ko kaya. This is too much!

"Pina-report na ni Mikee lahat ng nag-share at ang mismong source ng fake news na 'yan," ani Alice.

I wiped my tears. "Ano na ang gagawin ko, Alice? Hindi ko na alam, eh."

Alice pulled me. Binalot niya ako ng mahigpit na yakap. "Hindi ka pwedeng sumuko, Kirsten. Iyon ang dapat mong gawin. A brighter day awaits after the storm. You're not alone. Remember that. We're here to defend and protect you."

Umiyak ako ng umiyak sa kanyang balikat hanggang sa napagod ako. She's right. I should try harder so I could reach the surface. To stop myself from sinking, I must find a way to survive.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon