Tiningnan ko ang wall clock. 3:30 PM na. Mahigit kalahating oras na akong naghihintay dito sa waiting area. Nasa tapat lang nito ang ward ni Isla. Hindi na ako lumayo para 'pag kailangan ako ay nandito lang ako.
Niyakap ko ang aking sarili. Naaalala ko ang conversation namin ni Azure kanina. Hindi ko alam kung pupunta ba siya dito dahil hindi naging maayos ang usapan namin.
"Hello?" Malakas ang boses niya dahil maingay sa kinaroroonan niya.
Naka-kunot ang noo ni Alice. Wala siyang ka-malay malay na si Azure ang kausap ko ngayon. Nilagay ko iyon sa loudspeaker para marinig din niya ang usapan namin.
"A-Azure..." muntik nang mahulog sa upuan si Alice. "Kailangan ko ang tulong mo. Ngayon na sana. Kailangan lang talaga! Nakiki-usap ako!"
May babaeng tumawa sa background. Tumawa rin si Azure. Mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko kaya inulit ko.
"I heard everything, Kirsten. Hindi ako bingi. Bakit, may emergency na naman ba?"
Na-insulto ako sa sinabi niya. Grabe! Hindi ako makapaniwala na sa kanya pa ako humingi ng tulong! Kung hindi lang talaga kailangan ay hindi ako makikipag-usap sa kanya!
Ibaba ko na sana kaya lang ay inagaw ni Alice ang cellphone ko. Tumungo siya sa loob ng CR. Naririnig ko pa rin ang usapan nila.
"Si Alice 'to! 'Pag hindi ka pumunta dito ngayon, mamamatay si Kirsten! Narinig mo? Mama— Hello?! Azure! Shit ka talaga!"
Padabog na lumabas si Alice. Gumalaw si Isla kaya tinapik ko ang hita niya para makatulog ulit siya.
Ibinalik sa akin ni Alice ang cellphone. "Bakit mo ba kasi tinawagan 'yon? Narinig mo ba kung gaano siya ka-gago?"
Sinaway ko si Alice. Ang lakas ng boses niya. Baka magising ang anak ko.
"Baka sakali lang naman, Alice. Baka nakakalimutan mong si Azure ang ama ni Isla," muling gumalaw si Isla kaya hindi ko tinigilan ang pag-tapik sa kanya.
Bumukas ang pintuan. Dumating na si Mikee. Si Alice naman ay sinabi 'agad sa kanya ang nangyari.
Mula sa ward ay lumabas sina Mikee at Alice. Natutulog si Tatay kaya si Nanay muna ang nagbabantay kay Isla.
Sumandal si Mikee sa pader na ka-hilera lang ng inuupuan ko. Umupo si Alice sa tabi ko. Muntik pa siyang matisod dahil nasa hawak na cellphone lang ang atensyon niya.
"Darating pa ba 'yon?" Ani Mikee.
"Hindi ko alam... Mukhang wala naman siyang balak pumunta," sabi ko.
Hiniga ko ang ulo ko sa balikat ni Alice. Kaya pala siya busy. Patuloy pa rin siya sa paghahanap ng donor.
Kanina ay may naka-usap ako na nagtratrabaho sa Red Cross. Ang sabi niya ay kailangan pa naming maghintay ng isang linggo. Bihira lang daw kasi ang donor ng dugo na kailangan namin.
Umayos ako sa pagkaka-upo. "Babalik na muna ako sa loob, guys. Dito lang kayo?"
"Dito muna kami. Tawagin mo na lang kami ni Mikee 'pag may kailangan ka," sabi ni Alice.
Nakarinig kami ng mga yapak. Palakas ito ng palakas kaya sabay-sabay naming nilingon ang paparating.
Napatayo ako nang makita si Azure. Mukhang hinugot pa siya sa isang party dahil sa suot niyang coat and tie. Tumatagaktak ang kanyang pawis. Madilim ang kanyang tingin at hingal na hingal siya sa kanyang pagmamadali.
"Kirsten, really?" Nagtama ang mga mata namin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at parang nabunutan siya ng tinik. "Stop fooling around! You're just waistin' my time!"
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...