Alice and I went to the network the next day. Sa unit ko natulog si Azure. Hinatid niya lang kami ni Alice, pagkatapos ay nagmaneho na papunta sa kanilang kumpanya. Mamaya ay babalikan niya rin ako dahil luluwas kami pa-Laguna dahil ngayon ang kaarawan ni Tatay. Sasama sina Avery, Mikee, at Alice at ang sasakyan niya ang aming gagamitin.
Nakasalubong namin ang casting director na si Ms. Paz pagkapasok namin sa loob ng gusali.
"Good morning po, Ms. Paz," bati ko.
Tumango lang siya at nilagpasan na kami. Alice gave me a sidelong glance. I smiled because no one can ever ruin my day.
Sumakay kami sa elevator at nagpababa sa 5th floor. Pumasok kami sa Studio 1 kung saan gaganapin ang audition para sa pelikula. Horror ang genre at mag-a-audition ako para sa role ng kaibigan ng bidang babae na 'di kalaunan ay mamamatay at magiging multo. Kahit kaunti lang ang appearance ng role na iyon dahil mamamatay rin ay pinatulan ko na.
Huminto kami ni Alice sa tapat ng pintuan ng Studio 1. "Dito lang ako sa waiting area, Kirsten. Good luck!" niyakap niya ako ng mahigpit.
"Thank you, Alice! I can do it!" ngumiti ako at kumaway na bilang pagpapaalam.
Nagdasal ako at huminga ng malalim bago itinulak ang pinto.
"Ikaw si Kirsten Buenaflor?" tanong ng babae nang makita ako.
Tumango ako. Ibinigay niya ang number ko at itinuro ang mga kasamahan kong mag-a-audition rin. Lumapit ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan.
I checked the time on my phone. Alas nuebe y media na. Tatlumpung minuto pa ang hihintayin para sa actual audition. Habang naghihintay ay nakipag-kwentuhan muna ako sa mga kasama ko. Karamihan sa kanila ay pamilyar sa akin dahil nakasama ko na rin sila noon sa parehong sitwasyon.
I received a text messages from my parents, Azure's parents, Avery, and Mikee. All of them wished me good luck. My phone vibrated again. Another text message came in, but this time, it was from Azure.
Binuksan ko iyon at napagtantong MMS pala ang ipinadala niya. Nang nakita ko ang kabuuan ng litrato ay halos mabanat na ang bibig ko sa sobrang lapad ng ngiti ko.
Azure was wearing an industrial suit. Tirik na tirik ang araw. Ang white helmet at aviators ang ginawa niyang panangga doon. Kasama niya ang ibang inhinyero at mga trabahante sa kanilang kumpanya. They posed in front of a passenger plane. They printed out the word 'good luck' and my name, 'Kirsten', pero si Azure lang 'yung may hawak ng papel kung saan nakalagay ang pangalan ko.
Uminit ang gilid ng mga mata ko dahil masyado akong masaya sa nakikita. It was a simple effort, but I really appreciated it because it was from Azure. He really is the sweetest person I've ever met. Mas lalo tuloy akong ginanahan at mas lalong lumakas ang loob ko dahil sa ginawa niya.
Nag-tipa ako ng mensahe. Bahagya kong itinagilid ang cellphone ko dahil napapansin kong nakatingin rin sa screen 'yung katabi ko. Tsismosa...
Ako: Thank you so much, Azure! Pakisabi rin sa kanila 'salamat'. Gagalingan ko! :*
Itinago ko na ang cellphone ko nang dumating ang mga bumubuo sa pelikula. Ang may katandaang si Mr. Frederick Alcantara ang isa sa mga nakita ko. Nang dahil sa kanya ay napasama ako sa audition kaya nang napatingin siya sa akin ay ngumiti ako at bahagyang yumuko.
Tinawag na ng babaeng sumalubong sa akin kanina ang unang sasalang sa loob. Wala naman akong ginawa kundi ang kumalma at alalahanin ang mga linya sa eksenang isasabuhay ko mamaya.
"Number 20, Kirsten Buenaflor," tumayo ako nang tinawag ng babae ang pangalan ko.
Sinamahan niya ako hanggang sa tapat ng double doors at siya mismo ang nagbukas niyon. Kumaway ako sa mga kasama ko; ngumiti sila at sabay-sabay sinabi ang 'fighting'.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...