Chapter 53

2.2K 82 2
                                    

Gamit ang tinidor ay pinatunog ko ang hawak na champagne flute. I got the guests' attention. Ang dalawang bagong kasal ay kanina pa nakatingin sa akin. Nginitian nila ako. Ngumisi ako bago itinapat ang bibig sa mic.

"I've known Alice and Mikee since we were young. The three of us grew up together. We laughed, we cried, we dreamed together. Para na kaming magkakapatid, sa totoo lang. Alam namin ang mga sikreto ng bawat isa. Pero hindi ako na-informed na may isang sikreto pala na silang dalawa lang ang nakakaalam..."

Nagtawanan ang lahat kaya pansamantala akong huminto. Inayos ko ang tindig ko nang napansin ang paglapit ni Azure para makuhaan ako ng maayos na video.

"I always knew that there was something going on between them, but I didn't know that what they felt for each other was love. I was in L.A. when they told me that they're getting married. Sinabi sa akin ni Mikee na nag-alangan pa sila dahil baka magalit ako...."

Tumingin ako sa dalawa at naabutang umiiyak na si Alice. Naiiyak na rin si Mikee, pero hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Bakit ako magagalit? Alin sa mga ginawa nila ang dapat kong ikagalit? 'Yung pagtatago ba nila ng relasyon nila? O, 'yung katotohanan na mas mauuna pa silang ikasal kaysa sa akin?"

Hagalpak, sigawan, at palakpakan ang sunod na narinig. Napa-headbang pa si Avery sa sobrang saya niya! When my gaze turned to Azure, hindi niya na halos maitutok ng maayos ang camera sa akin. Malayo rin ang tingin niya.

Tumikhim ako at muling nagpatuloy. "As their best friend, I always wish for their happiness. What made me even more happy was the fact that, they found each other because of love. I could see that they are completely happy and, that's what matters to me..."

Huminga ako ng malalim para mapigilan ang nagbabadyang mga luha. Ngayon ay umiiyak na si Mikee habang niyayakap ng mahigpit si Alice.

"This is the beginning... I wish you all the best. I love you both. So much..." Itinaas ko ang champagne flute. "To Mikee and Alice!"

Nagtayuan ang mga bisita at inulit ang sinabi ko. Sabay-sabay naming ininom ang champagne. Napapikit ako saglit. Pagdilat ko ay lumapit ako kina Mikee at Alice para yakapin sila.

"Thank you so much, Kirsten! I love you!" Ani Alice. Natawa ako dahil kumalat na ang make up niya.

"You'll find your own happiness, soon. I love you, Kirsten," bulong ni Mikee at niyakap pa ako ng isang beses bago binitawan.

Nagpaalam na ako sa dalawa dahil si Avery naman ang magsasalita. She winked at me. Ngumiti ako.

"Watch me, girl!" Pahabol niya.

Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng dress ko para makapag-lakad ng maayos. Nakatayo na si Azure sa ibaba ng stage. Ang kanyang kamay ay naka-angat sa ere at naghihintay. Hinawakan ko iyon bilang suporta habang bumababa ako. Luminga-linga ako sa paligid.

"Nasaan si Isla?" Hindi ko na nadagdagan dahil bigla na lang niyang pinagsalikop ang mga daliri namin. Mahigpit iyon at mukhang ayaw niya nang bumitaw.

"Kasama si Maribel sa kwarto natin. She's tired and sleepy..." Nilingon niya ako. "Pinagod nung kalaro niya kanina..." May bahid ng panunuya ang tono niya.

Dinala ako ni Azure sa table namin. Panay ang senyas nina Via, Aica, Royce, at Jem sa isa't isa nang napansin ang mga kamay namin.

Ngumuso ako. "Si Liam ba? Hayaan mo na. Minsan lang naman."

May panibagong champagne flutes doon. Nilagok niya 'yung laman ng isa. Then, he pinched the bridge of his nose. Mukhang problemado siya, pero hindi iyon ang concern ko ngayon. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niyang pulang-pula gawa noong champagne. Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya kinuha ko 'yung isang flute.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon