Chapter 32

1.7K 66 0
                                    

Tumba na ang mga kasama namin. Sina Undang at Choleng pati na ang mga kaibigan nila ay nakatulog sa kani-kanilang upuan. Si Mikee naman ay naka-talungko at kinakausap ang mga manok nina Choleng.

"Alice, kaya mo pa ba? Kailangan ko nang umalis, eh."

Kaming dalawa lang ni Alice ang hindi nalasing. Kanina ay dinadaya nila sina Undang sa pag-tagay sa akin. Si Mikee ang sumasalo ng mga tagay para sa akin kaya nalasing siya. Si Alice ay malakas na talagang uminom noon pa. Sa aming tatlo, siya lang ang hindi mabilis malasing.

"Kakaladkarin ko na lang 'yan si Mikee pa-balik sa tent natin," nilingon niya ako. "Mag-ingat ka. Susunduin ka ba dito ni Sir Yuan?"

Sinilip ko ang phone ko. Nakaka-ilang missed calls at texts na si Yuan. Isang beses lang ako nakapag-reply sa kanya dahil sina Mikee at Alice ang may hawak ng phone ko. Ang sabi ni Yuan sa huling text ay naghihintay siya sa labas ng bahay nina Choleng.

"Hinihintay niya na 'ko sa labas." Tumayo na ako at dinampot ang aking pouch. "Alis na 'ko, Alice. Mag-ingat kayo ni bakla. Kung hindi na talaga kaya, dito na lang kayo matulog kina Choleng."

Sumang-ayon si Alice sa suhestiyon ko. Bago ako umalis, pinag-tulungan naming buhatin si Mikee para ihiga sa pahabang upuan.

Hinalikan ko sa pisngi si Alice. "Bye, Alice! Ikaw na ang bahala dito."

Tulog na si Mang Pade at Aling Beth kaya hindi na ako nakapag-paalam. Paglabas ko sa kanilang bahay ay dalawang sasakyan ang bumungad sa akin. Ang isa ay kulay puting Jeep Cherokee. Kilala ko naman kung kanino ang isang sasakyan na naka-parada sa 'di kalayuan.

Bumaba si Yuan upang salubungin ako. Malayo pa lang ay naamoy ko na 'agad ang ginamit niyang shower gel. Dumoble rin ang ka-pogi-an niya ngayong gabi.

"I was worried! Akala ko nilunod kana nila sa alak!" natawa ako at gano'n din siya. Ipinatong niya sa balikat ko ang kanyang leather jacket.

"I'm sorry, Yuan. Hindi kasi ako pwede umalis kaagad sa bahay nina Choleng," sabi ko.

Iginaya niya ako sa passenger seat. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Gentleman, hmmm. Pumasok ako sa kanyang sasakyan. Siya na rin ang nag-kabit ng seatbelt ko.

"It's okay, Kirsten. It's already two in the morning. Bilisan na lang natin para makapag-pahinga ka rin. Kung gusto mo naman, bukas na lang natin ituloy."

Umiling ako. "Ayos lang, Yuan. Kaya ko pa naman. 'Tsaka, napag-usapan na natin 'to kaya ituloy na natin," sabi ko sa kanya bago niya isinara ang pinto ng front seat.

Sinilip ko sa side mirror ang sasakyan ni Azure na nakahinto sa 'di kalayuan. Ano ba ang problema ng isang 'yon? Balak niya ba kaming sundan?

"Kirsten, gusto mo ba isama ang mga kaibigan mo? Baka hindi na kasi sila maka-balik sa tent niyo. Kawawa naman ang mga 'yon," ani Yuan nang pagka-upo sa driver's seat.

Ikinabit niya ang kanyang seatbelt at binuhay ang makina ng sasakyan. Sumandal siya sa upuan. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ako.

"Gusto ko sana, Yuan. Kaya lang, hindi naman tama 'yon. Nakatulog na sina Mikee. Si Alice na lang ang gising. Mabuti na 'yon para may magbabantay sa kanila," punong-puno ng panghihinayang ang boses ko.

Napansin 'yon ni Yuan. Ngumuso ako at napangiti na rin. Matutunaw ako sa titig ni Yuan kung hindi pa siya titigil.

"Well, ikaw po ang masusunod," itinuon niya sa kalsada ang atensyon at nagsimula sa pagmamaneho.

Sinilip ko ulit ang sasakyan ni Azure. Nakapatay ang makina. Salamat naman at hindi siya susunod sa amin!

Huminto ang sasakyan dahil sa stoplight. Sa ganitong pagkakataon kami nakakapag-usap ni Yuan. Masyado siyang seryoso sa pagmamaneho. Napansin ko rin na hindi siya mabilis magpa-takbo, hindi tulad ni— Ginulo ko ang buhok ko. Mali. 'Wag mo siyang isipin, Kirsten.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon