Chapter 2

3.9K 119 20
                                    

The solemn vibe of the commencement ceremony made me yawn. Lahat 'ata ng tao dito sa loob ng Plenary Hall sa PICC ay inaantok gawa ng walang kalatoy-latoy na talumpati ng mga panauhin.

"Mukhang matutumba kana, ah?" Nabitin ang paghikab ko nang nagsalita ang katabi kong si Angelo. "Kumapit ka muna sa 'kin..."

Umiling ako at 'agad nabuhayan nang umakyat sa entablado ang aming Program Head. Narinig ko naman ang daing ni Angelo, pero binalewala ko iyon.

Lumipas ang anim na buwan at habang papalapit ako sa entablado ay napatunayan kong tama ang ginawa kong desisyon. Yes, I didn't sign the contract. I refused their offer kahit na handa silang magbayad ng triple. Kaakibat ng pagtanggap ko sa role ay ang pagiging committed ko sa trabaho. Ang kapalit ng malaking halaga ng pera ay ang pag-absent ko ng tatlong buwan sa unibersidad. And I couldn't do that... Sa loob ng tatlong araw ay nakahanap sila ng kapalit ni Richelle. I did my part. Tinapos ko ang dalawang scene 'tulad ng unang napagkasunduan.

Nang ipinalabas ang pelikula ay nadagdagan ang mga offer sa akin lalong-lalo na sa pagmo-model at pagiging endorser. Ngunit hindi naging hadlang ang mga iyon para hindi ako makapag-tapos sa pag-aaral. Ngayong nandito na ako ay hindi matutumbasan ang saya na aking nararamdaman dahil alam ko na natupad na ang isa sa aking mga pangarap.

"Buenaflor, Kirsten C."

Ngiting-ngiti ako habang umaakyat sa entablado. Our Dean handed me the rolled up paper tied with a ribbon, symbolizing the diploma. Ngumiti ako at nagpasalamat. Humakbang ako at ang malagkit na titig ng isang Congressman ang muntik nang magpa-atras sa akin.

He shook my hand. "Congratulations, young lady!" I had goosebumps when he bit his lower lip in a disturbing way.

Naramdaman ko rin ang isang maliit na papel sa palad ko habang hindi niya pa binibitawan ang kamay ko.

Binawi ko ang kamay ko mula sa mariin niyang pagkaka-hawak. Sinadya kong ihulog 'yung papel. "Thank you, Congressman!"

Sinilip ko ang papel bago ulit ako humakbang para tanggapin ang kamay ng isa pang pulitiko. Calling card, huh? Inapakan iyon ni Congressman. Kinaskas niya sa flooring ang kanyang sapatos para mapunta ang papel sa ilalim ng kanyang upuan.

Natapos ako sa pakikipag-kamay sa mga panauhin kaya tumungo na ako sa gitna ng entablado. I bowed my head. Nakataas ang mga camera ng aking mga kamag-aral. Pinagalitan pa ang nasa unahang si Alice nang nagtangka siyang lumapit para makuhaan ako ng litrato. Tumingin ako sa taas, sa pinaka-dulo. There... I saw my parents at their designated seats. My 51-year old Tatay Tony and my 49-year old Nanay Merlie were crying as they waved their hands at me. Katabi nila si Mikee na mukhang kinukuhaan naman kami ng video. Kumaway ako sa kanila bago tuluyang bumaba.

Idinaan ko sa pag-ngiti ang nagbabadyang mga luha. I should be happy, right? But my heart feels so heavy... Ano kaya ang pakiramdam kung ang tunay kong mga magulang ang umiiyak dahil masaya silang nakapag-tapos na ako sa pag-aaral? Sana ay makilala ko sila... Masilayan ang kanilang mga mukha kahit saglit lang... Is it too much to ask?

Pagkatapos ng graduation ay dinala ko sina Tatay at Nanay sa restaurant ng isang five-star hotel. Si Mikee lang ang kasama namin dahil may sariling lakad si Alice at ang kanyang pamilya. Mas nauna rin ang graduation ni Mikee kaysa sa amin ni Alice. 'Tulad niya ay hindi rin kami nawala ni Alice sa araw na iyon kahit na ilang oras kaming naghintay sa labas ng PICC.

"Bilisan mo ang pagkain, anak!" Pang-ilang beses nang sinabi ni Nanay.

Inilayo ko 'yung pasta. Uminom ako ng tubig bago ko ibinigay ang buong atensyon kina Nanay.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon