After a few days of staying in Caramoan, the time has arrived for us to say goodbye to that paradise. Hindi naputol ang komunikasyon naming magkakaibigan sa magkapatid na Lorenzo. Kahit si Aerand ay nakakasama pa rin namin tuwing gumigimik o di kaya'y sa pag-inom ng kape sa paborito naming coffee shop malapit sa unibersidad na aming pinasukan.
Hulyo nang nabawasan ang pagdating ng mga offer sa akin. Sa kasamaang palad, hindi ako natanggap sa audition na sinabi ni Lita. I was really stressed out. Nahihirapan talaga ako dahil hindi naman ako gano'n ka-sikat. Dumagdag pa sa mga problema ko si Noreen Montoya. Her name doesn't ring a bell, but her career's on peak. Kabi-kabilang endorsements, tv shows, soap operas, at mga pelikula ang nakalinya para sa kanya. Dinaganan ng pangalan niya ang 'tulad kong nagsisimula pa lamang.
"Ano, Alice? Wala pa ba?" pinaglaruan ko 'yung straw ng frappe ko.
Naiinip na ako. Ilang oras na kaming naka-tambay ni Alice dito sa coffee shop. Tutok na tutok siya sa kanyang laptop, samantalang halos dasalan ko na ang iniinom kong chocolate frappe.
Huminto sa pag-scroll si Alice. Ininom niya ang malamig na kape. "Wala pa rin, Kirsten. Hindi pa rin nagpapadala ng renewal of contract 'yung kompanya ng sapatos."
That's it! That company was my last resort! Isinandal ko ang likuran ko sa upuan. Patapos na ang kontrata ko sa modeling agency at hindi na ako makakapag-renew pa dahil ipapasara na iyon. Nauwi kasi sa hiwalayan ang matagal na pagsasama ng mag-asawang may-ari. Sa ngayon ay pinag-iisipan nilang ibenta iyon at paghahatian na lang ang pera. At hindi pa ako makakapunta sa mga go-see ng ibang modeling agency dahil iyon ang nakasaad sa kontrata ko.
Saan na ako pupulutin ngayon?
Walang ring tumatawag para sa audition bilang extra. Kahit role nga ng janitress ay papatusin ko na, eh. Kaso wala... Texts at mga tawag lang ni Azure ang natatanggap ko.
Well, kung pabagsak na ang career ko, umaarangkada naman ang love life ko. Yes, Azure and I are in a relationship. Sa ngayon ay ang mga magulang at malalapit na kaibigan lang namin ang nakaka-alam. Mag-i-isang buwan na kami bukas, at gusto niya akong dalhin sa kanila upang pormal akong maipakilala sa kanyang mga magulang. I'm nervous. I don't know what to expect, so hindi na lang muna ako mag-a-assume na magugustuhan nila ako kaagad.
Sumama si Azure sa akin sa Bulacan noong araw na sinagot ko siya. Minarkahan ko talaga ang June 18 sa aking mga kalendaryo. Nakakagulat nga dahil si Tatay ang una niyang naging ka-close. Si Nanay ay nangangapa at nakikiramdam pa rin hanggang ngayon. Wala namang problema pagdating kay Azure dahil matinding pakikisama at pag-a-adjust ang ginagawa niya para lang lumambot ang pakikitungo ni Nanay sa kanya.
My thoughts were interrupted when Alice called my name. Inililigpit na niya ang kanyang mga gamit. Huminga ako ng malalim. Pinakawalan ko na 'yung frappe. Pagkatapos ay ipinasok ko ang mga nakakalat kong gamit sa loob ng bag.
"Umuwi na lang muna tayo, Kirsten. 'Wag mong dibdibin ang nangyayari sa 'yo. Gano'n talaga. Bilog ang mundo at pagdating sa entertainment industry, matinding pasensya ang kailangan mo. Sa ngayon ay maghintay na lang muna tayo."
Pagod akong tumango. "Thank you, Alice. Balitaan mo 'agad ako."
Pinuntahan namin ni Alice ang parking lot. Niyakap ko ng mahigpit ang aking kaibigan ko. Hindi niya ako iniwan lalo na ngayon. Maging si Avery at Mikee na kahit parehong busy sa kani-kanilang mga buhay ay araw-araw pa rin akong tinatawagan para mangumusta.
Nag-maneho ako patungo sa condo ko. I saw Azure's Land Cruiser beside my parking space. Noon ko lang napag-tanto na hindi ko man lang tiningnan ang cellphone ko kung may tawag o text siya! I was too preoccupied that I forgot our dinner date tonight!
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...