Sumandal ako sa headboard. Maginaw dahil naka-todo ang aircon. Dinungaw ko ang sina Alice at Avery na natutulog sa magkabilang gilid ko. Pareho pa silang nakayakap sa baywang ko.
Napangiti ako ng mapait. Hinawi ko 'yung comforter at dahan-dahang bumaba sa kama para hindi magising ang dalawa. Dumeretso ako sa bathroom para umihi at maghilamos. Pagkatapos nito ay lalabas ako dahil kailangan kong uminon ng tubig. Kumikirot ang sikmura ko dahil sa gutom.
Naabutan ko sina Aerand at Mikee sa living room paglabas ko. Magkatabi sila sa couch; nakasandal at parehong nakapikit. Ang coffee table naman sa gitna ay punong-puno ng mga bote ng beer na walang laman.
Dumilat si Aerand at 'agad tumama ang tingin sa akin. Tumayo siya at lumapit para sana alalayan ako.
"Heartbroken ako, hindi baldado," pagtatama ko.
Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at ngumisi. "Right. Pero bakit ang aga mo nagising? Are you hungry? I can cook some food, though I'm not that good."
Naglakad ako papunta sa kitchen. Sumunod si Aerand at mukhang magluluto nga ng mga pagkain. Sabagay, 5 AM na at malapit na din magising 'yung iba.
Sa halip na uminom ng tubig, nagtimpla ako ng kape at umupo sa stool. Nakatungo lang ako habang pinagmamasdan ang usok na nanggagaling sa tasa. Binuksan naman ni Aerand 'yung ref para maghanap ng iluluto niya.
Sumimsim ako at nilanghap ang aroma ng kape. Ibinaba ko ang tasa nang binalingan ako ni Aerand.
"Kirsten, he came..." aniya.
Bumaba ang tingin ko sa magkasalikop kong mga kamay. "What happened when he came? Did you let him in?"
He sighed. "No, your girlfriends didn't let him in. Gusto sana namin ni Mikee para sa oras na tumapak siya sa unit mo, sasalubungin namin siya ng suntok. Kaya lang galit na galit talaga sila lalo na si Ave. Muntik ko na nga'ng makalimutan na kapatid niya iyon at hindi kaaway."
I met his gaze at nakitaan ko iyon ng awa para sa akin. Ako din, naaawa ako sa sarili ko. What did I really do to deserve all of this? Sa halip na umiyak ako at magwala, iyon ang palaging nasa isip ko mula nang umuwi kami kagabi. I know I'm not perfect and I'm a sinner, pero hindi naman ako ang pinakamasamang tao para tanggapin ang lahat ng ito.
Uminom ulit ako ng kape. Nagsimula na sa pagpri-prito ng hash browns si Aerand nang itinanong niya sa akin ang tanong na alam ko kaagad ang isasagot.
"I'm his best friend and I'm always on his side, but I guess not this time after I've witnessed how he turned into the biggest jerk in the city last night. Kaya ngayon, tatanungin kita, Kirsten. Ano nang balak mo sa inyo ni Azure?"
"Makikipaghiwalay na ako sa kanya. He promised that he wouldn't do anything to hurt me, but I guess katulad lang iyon ng maraming pangako na napako. I gave him a chance. I've loved him deeply. Inakala kong nagbago na siya kahit hindi na para sa akin, kahit para sa sarili niya na lang. Naging kampante ako kaya ito ang napala ko."
Aaminin ko, naiiyak na talaga ako ngayon pero pinipilit kong maging matatag. Ito na lang kasi ang natitira sa akin, eh. Ang tumayo pagkatapos kong madapa. Nasasaktan ako, pero hindi naman magtatagal 'to 'di ba? Ang sugat na dulot nito sa akin ay gagaling din, nguit ang peklat ay habangbuhay na tatatak sa buong pagkatao ko. At doon ako kukuha ng lakas upang muling bumangon at mahalin ang sarili ko.
Oo, mahal na mahal ko pa rin si Azure sa kabila ng ginawa niya. Nasira ang tiwala ko, ngunit hindi ang pagmamahal para sa kanya. Pero hindi naman maaari na kapag lumubog siya ay lulubog na din ako. Kailangan kong umahon kahit malalim. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay kahit wala na siya sa piling ko. Kailangan kong magsikripisyo dahil lahat ng ito ay aanihin namin at kami din ang makikinabang sa huli.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...