Wala kaming imikan ni Azure. Habang tumatagal ang biyahe ay mas nagiging awkward ang sitwasyon. Mabuti na lang at nasa cellphone ko ang direksyon papunta kina Maribel kaya may excuse akong tumingin doon.
"Lumiko ka sa kaliwa," basag ko sa katahimikan.
Ni hindi ko na nilingon si Azure. Nakatutok ang mga mata ko sa kulay pula na gumagalaw sa screen. Kami 'yon. At ayon sa nakikita ko, malapit na kami.
Ang plano ay dadaanan na lang namin si Maribel sa labas ng isang restaurant na malapit sa kanilang bahay. Pumayag din si Nanay Filipina dahil ayaw rin nilang ma-issue. Mga tsismosa raw kasi ang mga kapit-bahay nila.
"Si Maribel 'yon," turo ko sa dalaga sa 'di kalayuan. Nasa gilid niya ang kaniyang ina at nakalapag sa kalsada ang dalawang bag na dadalhin niya.
Huminto ang sasakyan ni Azure sa tapat ng mag-ina. Noong una ay wala silang pake hanggang sa ibinaba ko ang bintana. Napatalon sila nang nakita ako.
"Pasok po kayo!" sabi ko at ngumiti.
Kusang bumaba si Azure. Binuhat niya ang mga gamit ni Maribel upang ilagay sa likod ng Land Cruiser. We didn't use his Mustang dahil attention-seeker ang sasakyan niyang iyon.
Lumingon ako para makausap ang mag-ina. "Kumusta po kayo?"
Ngumiti lang si Maribel, tila nahihiya. Si Nanay Filipina naman ay inabala ang sarili sa paglilibot ng tingin sa sasakyan bago ako binalingan.
"Maayos na maayos kami, anak! Dahil iyon sa tulong mo," sagot niya.
Dumapo ang mga mata ng mag-ina kay Azure nang pumasok siya sa driver's seat. Tumango siya at tipid na nginitian ang mag-ina.
"Si Azure po, ang daddy ng anak ko," paglilinaw ko.
Nanlaki ang mga mata nila sa narinig. Napakamot sa ulo si Nanay Filipina. "M-May anak kana, Kirsten?! Akala ko ay pamangkin o kapatid mo ang aalagaan ni Maribel! A-Anak niyo pala!"
Lumipat ang tingin sa akin ni Azure. Nakipag-titigan rin ako bago nagsalita.
Tumawa ako. "Opo, 'Nay. May anak na po ako. Mag-i-isang taon na po siya."
"Kung maaari po ay 'wag niyo po sanang ipagsabi," tumagilid ang ulo ko sa sinabi ni Azure.
Sabay na tumango sina Nanay Filipina at Maribel.
"'Wag kayong mag-alala. Naiintindihan ko ang sitwasyon ninyo," may halong lungkot sa boses ni Nanay.
Ang lakas naman niyang makaramdam? Sabagay. It's obvious that Azure and I are not in good terms. Kung ako nga ay nanlalamig 'pag magkasama kaming dalawa, ibang tao pa kaya?
"Ang gusto lang po namin ay ang maalagaan ng mabuti si Isla. Pareho po kaming may trabaho ni Kirsten kaya umaasa po ako sa maitutulong ni Maribel," Azure added.
"Makakaasa po kayo. May mga pamangkin at pinsan po ako na bata rin kaya alam ko kung paano sila pakisamahan," paniniguro ni Maribel.
Binigyan namin ng oras ang mag-ina para makapag-paalam sa isa't isa. Ipinaabot sa akin ni Nanay ang pangungumusta ni Tatay. Nagpapagaling pa ito kaya hindi nakasama.
"Dala mo ba 'yung requirements, Maribel?" tanong ko nang nagsimulang umandar ang sasakyan.
Tumango si Maribel. Hinugot niya sa bag ang isang brown envelope. "Ito na po ang lahat ng kailangan, Ma'am."
Ngumisi ako. Sumulyap saglit si Azure. "'Ate', Maribel. Ate ang itawag mo sa akin."
"O-Opo, Ate Kirsten," bakas pa rin ang hiya sa kaniya. 'Di bale, masasanay rin siya.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...