Chapter 56

2.4K 77 6
                                    

Hinawi ko sina Azure at Kuya Marc. Natumba si Avery kaya pala sila nagsigawan. 'Agad naman siyang itinayo ni Aerand at inalalayang maka-upo.

"Jesus, Ate Avery! You should've stayed in the car!" ani Azure sabay hawak sa kamay ko. Sinamaan niya rin ng tingin si Aerand.

Ang pag-agaw ni Avery sa spotlight ay panandalian lang dahil nahawakan na rin ako ni Nanay sa aking kamay.

"N-Nay, bakit niyo po ako gustong umuwi? Nandito po ang mga kamag-anak ko!" Maligaya kong tinuro sina Tita Melody. "Nakilala ko na po sila kagabi! At may kapatid po ako!"

Unti-unting napawi ang masayang pagpapakilala ko nang hatakin ako ni Nanay. Tumakbo si Tita Melody at hinawakan rin ako para hindi makuha ni Nanay. Inutusan ni Tito Eddie ang mga kasambahay na 'wag pababain ang mga pinsan at anak ko. Ang mga magulang naman ni Azure ay pabalik-balik ang tingin sa amin at sa wasted na si Avery.

"Kirsten, umalis na tayo! Makinig ka sa Nanay mo!" ani Tatay.

"No! Get lost! Bago pa ako tumawag ng mga pulis!" Tita Melody screamed.

And then it sunk in... Bakit niya gustong umalis ang mga tumayong magulang ko? Bakit ako gustong kunin nina Tatay at Nanay sa totoong pamilya ko?

Hinarap ko ang kinilala kong mga magulang. "Bakit po tayo uuwi? Hindi po ba kayo m-masaya na nakita ko na ang mga kamag-anak ko?"

Kuya Marc butt in. "Maxine, umakyat ka muna sa taas." He faced Azure. "Samahan mo ang kapatid ko, Kuya Azure."

Tumango siya at bago pa man niya ako maisama papunta sa ikalawang palapag ay nilakasan ni Nanay ang pag-hatak sa akin dahilan kung bakit muntik na akong madapa. Iilang mura ang narinig ko kina Kuya Marc at Azure, ngunit hindi pa man ako nakakapag-react ay narinig ko na ang malakas na pagdapo ng palad ni Tita Melody sa pisngi ni Nanay.

"Tita!" sigaw ko. Hinarang niya ang braso niya para hindi ako makalapit sa kanila. Pinagtulungan naman akong hilahin nina Azure at Kuya Marc.

"How dare you drag my niece! Wala kang karaparan!" Tito Eddie stood behind her. Nilingon ako ni Tita. Nangngingitngit siya sa galit.

"Melody! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" ani Nanay ngunit wala nang halaga iyon kay Tita.

"You wanna hear the truth, Maxine? The reason why I wanted to hurt them so bad? Dahil pinagka-kitaan ka ng mga ito! They're not rich and they didn't win on the lottery! Binabayaran sila ng malaking halaga para lang itago ka! They knew who you really are all along! They didn't find you on a mango tree! They hid you from us!" bumuhos ang luha ni Tita Melody. Umiling-iling siya at nang magsasalita si Nanay ay itinulak niya ito ng malakas.

"Kirsten, anak, hindi 'yon totoo! Sinungaling ang babaeng 'yan!" sabi ni Tatay habang tinutulungang bumangon si Nanay.

"Tita, h-hindi po 'yon totoo 'di ba? Nagbibiro lang kayo 'di ba?" tumawa ako kahit naninikip na ang aking dibdib.

Umiling si Tita Melody. "Believe it or not, anak, iyon ang totoo... These people are manipulative and liars! Matagal na panahon nilang ipinagkait ang katotohanan! They didn't tell you because they could get a lot of money for hiding you! Gusto kong mapunta ang dalawang ito sa kulungan sa lalong madaling panahon!"

Napaluhod si Nanay at parehas na silang umiiyak ni Tatay. Nawalan ng tama si Avery; simpatya at pagka-gulat ang makikita sa mukha niya pati na kina Aerand, Tito Federico at, Tita Anastasia. Nang nagawi ang tingin ko kay Tito Eddie ay nakita ko siyang pumikit habang tinatahan ang kanyang asawa. Bumaling ako sa kaliwa at mabilis akong kinabig ni Kuya Marc. At ang huli ay ang nasa kanang si...Azure. Sa itsura pa lang niya ay masasabi kong gusto niya rin akong yakapin, ngunit hinayaan niya ako sa aking kapatid. Yumuko siya at inabot ang maliit na parte ng aking hintuturo.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon