Itinuro kami ni Direk sa lalake. Kahit medyo malayo ay kapansin-pansin ang suot na earpiece ng lalake. Nagsasalita siya, tila may kausap bukod kay Direk.
"Hala ka, bakla! Ba't ka hinahanap? Kilala mo ba 'yan?" Umiling ako sa sinabi ni Mikee.
"Hindi ko alam, Mikee. Hindi ko siya kilala," nagtago ako sa likod ni Alice nang maglakad patungo sa amin ang lalake. Hinarangan naman siya ni Yuan.
"Miss Kirsten, don't be afraid. May sasabihin lang ako sa 'yo," wika ng lalake.
Bigla- bigla naman 'atang nagsulputan ang mga tao ngayon sa buhay ko. Isa pa, hindi ko kilala ang lalake na nasa harap ko. Mamaya ay masamang tao pala kaya hindi dapat ako magtiwala 'agad. Pero, pinuntahan niya mismo ako sa shooting ko para lang makausap. Kung may masamang motibo siya ay hindi niya 'yon gagawin.
Tinatawag na kami ni Direk. Hindi ako pwedeng makipag-usap ngayon.
Hinarap ko ang lalake. "Pumapayag ako, pero mamaya pa ako matatapos dito. Okay lang ba na maghintay ka sandali?"
Hinawakan ng lalake ang earpiece sa kanyang kanang tenga. Earpiece! Sinabi niya siguro sa kausap niya ang sinabi ko.
May kinuha siya sa bulsa ng coat niya. Inabot niya sa akin ang isang calling card. "Ikatutuwa niya kung pupuntahan mo ang lugar na 'yan, Miss Kirsten. Nasa sa 'yo ang desisyon kung kailan. Sana ay paunlakan mo."
Iyon ang sinabi ng lalake bago siya umalis. Binasa ko ang naka-lagay sa calling card. Address at telephone number lang. Pero sino ang tinutukoy niya? Bakit niya ako gustong makita? Pupunta ba ako? Ito na naman tayo, eh!
Naririnig ko na ang sigaw ni Direk at ang pangalan ko ang sinisigaw niya. Ipinahawak mo muna kay Alice ang calling card. Tumakbo kami papunta sa set.
"Kirsten, isantabi mo ang personal issues mo! Trabaho muna!" Sigaw ni Direk pagdating ko.
Naawa naman sa akin sina Alice.
Hinila ko ang braso ni Yuan. Balak niya akong ipagtanggol. Mali naman talaga ang ginawa ko."I'm sorry, Direk," pumunta ako sa gilid ng mga camera. Tinabihan ko si Noreen.
Nginisian niya ako. "Tama si Cath, attention seeker ka nga."
Wala akong panahon kay Noreen kaya hindi na ako umimik. Umayos na kaming lahat nang magsalita si Direk.
"Take 1 pa lang 'to. Ayusin niyo ang pag-arte! In 3...2...1... Action!"
Naging smooth naman ang lahat. Naka-dalawang take lang kami para matapos na ang shooting dito sa Payatas. Bukas ng umaga ay tutulak namin kami patungo sa Bulacan.
"Alright, people! Pwede na kayong mag-liwaliw!" Ibinaba ni Direk ang megaphone. Pinigilan niya ako. "You're doing a great job, Kirsten. Ayaw ko lang na naaapektuhan ng ibang bagay ang trabaho mo. Ngayon, pwede kana maglagalag kung saan mo gusto."
"Thank you po, Direk! Hindi na po mauulit," sabi ko.
Dinampot ko ang mineral water. Handa na akong lumabas nang may tumawag sa akin.
"Kirsten, sandali," napa-hinto ako. Ano naman ang kailangan sa akin ni Miss Paz?
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sa itsura pa lang niya ay alam kong hindi na maganda ang sasabihin niya sa akin. Simula pa lang ay hindi na maayos ang pakikitungo sa akin ni Miss Paz kaya hindi na nakapagtataka kung susungitan niya ako ngayon.
"I like him. Layuan mo siya kung ayaw mo ng gulo. Bago ka pa lang dito, pero kung sinu-sino na ang nali-link sa 'yo," she flipped her hair. Natamaan ako sa mukha.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...