End of Season One
A Z U R E
"Ito daw po 'yung bagong project ng airline sa susunod na buwan, Engineer. Mula po ito sa opisina ni Sir Federico. Gusto niya pong review-hin mo. At may dumating pong sulat para sa 'yo. Nasa ilalim po."
My secretary, Divina, dropped the folders on top of my table. Doon lang ako nag-angat ng tingin sa kanya. Her cheeks flushed and she smiled seductively at me.
"S-Sorry, Engineer," she bit her lower lip.
That almost sounded like a beg! Oh, no, no, no. Only Kirsten has the privilege to do that in front of me.
"Thank you and you may go now. Ako na ang mag-aayos ng mga 'yan. ," tamad kong sinabi.
Mabagal siyang naglakad papunta sa pintuan. She was so slow and that made me want to drag her out. Lumingon siya sa akin sa pag-asang susuklian ko ang kanyang ngiti.
"Make it fast! This isn't a fashion show!" my voice boomed. Naiinis talaga ako sa mga makupad.
"Y-Yes, Engineer!" then she walked outside hurriedly.
Saka ko hinarap ang telepono na konektado sa lahat ng department ng kompanya. I pressed the HR Department's speed dial.
"Good morning, Engineer! Ano pong maipaglilingkod ng department namin sa 'yo?" mapaglarong sinabi ng kausap ko.
Sino ba 'tong kausap ko? Malalandi ba talaga ang tono ng pananalita ng mga babaeng empleyado dito? Should I ask my father to terminate all of them?
"Ilipat mo ang secretary kong si Divina sa ibang department. Pwede na sa front desk... Anywhere but my office," I said as if I was in the middle of a business transaction.
Suminghap ang babae sa kabilang linya. "Mukhang hiring sa opisina ni Engineer! Chance na natin 'to!"
Fucking hell! She's so loud! At may narinig pa akong tumili!
Inilayo ko 'yung handset sa tainga ko at ibinaba ang tawag. Damn! I have a wife! Ano'ng pinagsasabi ng mga 'yon?
Dinampot ko 'yung cellphone ko para tingnan kung may reply na si Kirsten. She texted me around 2 AM. Bigla akong nahabag dahil ang aga aga niyang gumising kanina. She didn't tell me where she was going. Nag "Alis na 'ko" at "I love you" lang siya at hanggang ngayon ay wala pa ring reply.
I wanna hear her voice so I called her number. Sana lang ay hindi ako nakakaabala sa shooting niya. Gusto ko lang malaman ang kalagayan niya.
Kumunot ang noo ko dahil sa halip na mag-ring, ang boses ng operator ang narinig ko. Pero bakit kaya? May power bank naman 'yon at magti-text 'agad sa akin sa oras na makarating siya sa set.
Natawa ako sa sarili. I'm so in love with her and I just want to see her all the time! But my Kirsten wouldn't like that kaya magbababad na lang muna ako sa trabaho.
Una kong binasa 'yung naaprubahang proposal kanina sa meeting nina Dad at business partner naming Hapon.
Tumaas ang kilay ko. Oh, okay... So, gano'n pala ang mangyayari sa susunod na buwan... Galing naman pala at napa-WOW pa ako.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...