Hinatid ako ni Azure sa condo ko para makapag-luto ng pagkaing dadalhin ko sa bahay nila. Paborito ng mommy niya ang kalderetang baka kaya iyon ang lulutuin ko.
"Need a hand?" napa-singhap ako at naramdaman ang pagdaloy ng kuryente mula sa aking mga paa hanggang sa batok.
"Azure!" tumawa siya. Ibinaba ko 'yung bell pepper saka siya hinarap.
He stood proudly. Nakipagtagisan siya ng tingin sa akin. Tumaas ang kanyang kilay at ang ngisi ay hindi nawawala sa kanyang mga labi.
"Doon kana nga sa salas! Wala akong matatapos dito 'pag nagpatuloy ka sa pangungulit sa akin!" pinilit kong iparamdam sa kanya na galit ako, pero nabigo ako.
Fire from hell was bursting from my nostrils and mouth. That's it! Face my wrath! But how could I do that when Azure Freakin' Lorenzo was standing in front me? Unti-unting nawala ang pagka-kunot ng noo ko. Sa isang iglap ay bigla na lang akong nanlambot.
Umangat ang gilid ng labi niya. "O, akala ko ba galit ka? My fragile girlfriend couldn't get mad at me, huh?" He slid his hands inside his pockets and bent down his head to gave me a peck on my forehead. "Oo na po, talo na ako. Do your own thing. Tatawagan ko lang si Ate."
Tinalukuran ako ni Azure. Sumimangot naman ako. Did he just call me "marupok"? 'Di bale na nga! Didn't know that he could be that cute even though he's serious...
Inasikaso ko ang sarili ko pagkatapos kong magluto. I blow dried my hair and tied it to a tight ponytail. Lalong nangibabaw ang kulay ng aking balat sa suot kong mustard yellow midi dress. Kulay kremang sandalyas naman ang ipinares ko doon. Pagdating sa make up ay lip at cheek tint lang ang ginamit ko.
Kumatok si Azure. "Kirsten, are you ready?"
"Yes! Saglit na lang!" I shouted.
Ikinatuwa ko na kahit maharot ang boyfriend ko ay hindi siya nanghas na pumasok sa kwarto ko. Hanggang silip lang siya, 'no.
For the final touch, I used my own brand of perfume named Azure. It has a scent of elegance and seduction na talagang gustong-gusto ng boyfriend ko. Sa ngayon ay hindi niya pa alam ang tungkol doon. Ni hindi niya alam na sa kanya ko ipinangalan iyon. Ang mga katuwang ko sa negosyo na sina Avery, Alice, at Mikee pa lang ang nakaka-alam.
Lulan ng kanyang sasakyan, tumulak na kami patungo sa kanilang bahay eksaktong alas diez ng umaga.
"Azure, kinakabahan ako..." pag-amin ko.
Siya ang ikalawang boyfriend ko. Kaya ako kinakabahan dahil na-trauma ako sa pamilya ng ex-boyfriend ko. Siniraan nila ako at hayagan ang kanilang pagtutol sa relasyon namin. Mababa rin ang kanilang tingin sa akin gawa ng nakagisnan kong buhay noon. Ayaw ko nang maulit iyon...
Napalingon sa akin si Azure. Kinuha niya ang nanlalamig kong kamay at hinalikan ang likuran ng aking palad. Ikinulong ng kanyang kamay ang kamay ko at dinala patungo sa ibabaw ng gearshift; ayaw nang pakawalan.
"I don't know what had happened in your past..." Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa kalsada. "But you have nothing to worry about my family. My parents are looking forward to meeting you. Matagal ka na nilang gustong makita. Hindi kita dadalhin sa bahay kung alam kong ayaw nila sa 'yo."
Sa halip na magsalita ay bumuntong-hininga ako. Gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Hindi man ito mai-a-apply sa lahat, pero kung mabait sa akin sina Avery at Azure, malamang ay ganoon rin ang mga magulang nila. The Lorenzo siblings are so down to earth and they always keep their feet on the ground. There was no sign of arrogance at all. Lumaki silang mapagpakumbaba sa kabila ng karangyaang tinatamasa nila sa buhay. At ibibigay ko na ang papuri sa kanilang mga magulang dahil napalaki nila ng maayos ang kanilang mga anak.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...