Mainit ang pakiramdam ko nang magising uli ako. As expected, Azure immediately assisted me. Tinulungan niya akong bumangon at umupo. I feel so much better now. And I'd like to thank this man for taking care of me.
"Mabuti na ba ang pakiramdam mo? Are you hungry? Are you gonna use the bathroom?" Sunod-sunod niyang tanong habang nagkukumahog sa pagbubuhat ng tray at pagkuha ng mga gamot.
Sinilip ko 'yung relo niya. Alas siete na pala ng gabi. Bumaba ang tingin ko sa suot ko. I'm wearing a sweatshirt and track pants. Kumunot ang noo ko. Sakto ang paglingon ni Azure kaya nagsalita na ako.
"Azure, where the hell did you get these?" itinuro ko 'yung suot ko.
'Agad siyang nag-iwas ng tingin. "Binigay 'yan ng boyfriend mo kanina." Halos mabilaukan siya sa sinabi.
Mas lalong lumaki ang ngisi ko. "Who? Elliot?" I teased him.
Tinalikuran niya ako. May ibinubulong siya sa hangin. Mukhang isinusumpa niya si Elliot base sa tono ng kanyang pananalita.
"Oh, come on! Hindi ko boyfriend 'yon! But I'll call him later to say "thank you". Nakapagtataka lang dahil ang init init dito, pero may dala siyang sweatshirt at track pants. He's so weird!"
Gusto kong pumalakpak dahil mas lalong nainis si Azure. Humikab ako at nag-unat unat ng katawan. Umamba akong tatayo, ngunit mabilis niya akong hinila pabalik sa kama. Inilapag niya sa maliit na lamesa 'yung tray. Natawa ako sa kanyang pagkataranta.
"Azure, mabuti na ang pakiramdam ko. Thank you!" I smiled as I grabbed the spoon. "Ako na rin ang magpapakain sa sarili ko. Kaya ko nang kumilos."
Umupo sa harapan si Azure at pinagmasdan ang ginagawa ko. Dahan-dahan kong inihipan ang kutsarang may lugaw bago iyon isinubo. Tumagilid si Azure upang maabot ang pitsel at baso na nakapatong sa bedside table. He poured the water into the glass and handed it to me. Sumimsim ako ng kaunti, 'tapos inilapag ko iyon sa gilid ng mangkok.
"Kumain kana ba? Kung hindi pa, hatian mo na ako dito sa lugaw," inilapit ko sa bibig niya 'yung kutsara.
Natuwa ako nang binuksan ni Azure ang bibig niya. Ipinasok ko doon 'yung kutsara. Pagkatapos ay ibinalik ko na iyon sa mangkok at natulala na lang sa panonood kung paano siya ngumuya. Nang malunok ang kinakain ay inangat niya 'yung baso ko at kinalahati ang laman niyon. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Ngayon lang ako natuwa sa indirect kiss!
"N-Nasaan..." Tumikhim ako. "Nasaan nga pala sina Avery?"
He grinned. Kinuha niya 'yung kutsara at inihipan ang lugaw doon. "Kumakain sila sa baba," wika niya habang sinusubuan ako.
Nakapasok ang mga binti namin sa ilalim ng maliit na lamesa. Lumapit ng bahagya si Azure kaya naman tumama ang binti niya sa binti ko. Tila naging sensitibo ang parteng iyon, at tila may kuryenteng dumadaloy doon na naghatid ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Halos hindi ko malunok ng maayos 'yung lugaw. Unti-unting sumisibol ang pinaghalong kaba at excitement sa aking dibdib.
"G-Gusto mo bang bumaba rin tayo? M-Magaling naman na ako, eh..." What I said didn't sound so convincing.
Nakalabas na ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ni Azure. "Ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo. What do you you think?"
Yumuko ako at nagkunwaring hinahalo 'yung lugaw. "O-Okay lang naman kung susunod tayo sa kanila. Isa pa, gusto ko ring sulitin ang bakasyon na 'to."
Inagaw ni Azure sa kamay ko 'yung kutsara. Sinubuan niya ako uli. Bigla akong na-conscious sa tindi ng paninitig niya sa akin. Napansin ko rin na kanina pa siya ngumingisi. May muta kaya ako? O baka naman may namuong laway sa gilid ng labi ko?
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...