Chapter 2

1.7K 68 6
                                    

You're hired

Jazz's POV

"Tao poooo!!!" Sigaw ko pero walang may lumalabas.

"Tao poooo?!?!" Pag-uulit ko.

Kumuha ako ng bato at pinaghahampas iyon sa gate para mas lalo akong marinig. Alam niyo na, kagaya sa mga tsangge kapag bumibili ka, hinahampas iyong maliit na bintana gamit ang piso para marinig ka ng mga tinderang bungol.

"Tao po!"

Inuulit-ulit ko lang iyon hanggang sa lumabas ang katulong.

"Hijo! Hijo! Aba't tigilan mo 'yan! May doorbell naman diyan ah?"

Dahan-dahan naman akong napalingon doon at nahihiyang nilagay ang bato sa likod ko.

"Iyong doorbell niyo po kasi eh! Nang g-ground po!" Pagsusumbong ko sa kanya.

"Talaga ba? Matingnan nga."

Lumabas naman ito at pipindutin na sana ang doorbell nang bigla ko siyang ginulat.

"WAAAAHHH!!"

"AY! BAKANG INIRE!"

"PFFFT---HAHAHAHA!!!"

Hindi ko na napigilan pa ang tawa ko nang magulat ito.

"Ikaw talagang bata ka! Ang sama mo!" Sigaw nito saka ako pinaghahampas.

"Aray!---Ahh!" Sigaw ko dahil pinaghahampas ako nito.

"Ma h-high blood ako sa'yong bata ka!"

"Tama na po! Pinapalo na nga 'ko do'n sa bahay tapos hanggang dito ba naman? Wala po kayong karapatan! Pwede ko po kayong kasuhan ng child abuse! Tatay ko po abogado! Sige, sige!" Banta ko sa kanya.

Tumigil naman ito nang sabihin ko iyon. Pero hindi naman talaga abogado si dad, huehue, uto-uto si ateee.

"Aba, ano nga ba ang iyong kailangan? At may ginagawa pa ako ro'n sa loob?" Tanong niya sa akin nang kumalma na ito.

"Ahh, oo." Itinuro ko iyong nakapaskil sa gate. "Tungkol sana dito."

"Ahh! Alam mo ba, andami nang nagpalista rito. Ewan ko ba kung para saan din 'yan pero--maganda si ma'am kaya ang swerte ng matatanggap!" Tumitiling sabi niya. Abaaa, iba rin 'to si ate gurl ha. May tinatagong landi.

"Ay aba, wala akong paki do'n sa babae ang akin lang magkapera ko. Ginigipit ako ngayon eh, tsk." Sabi ko pa saka umiling-iling.

May ikinuha naman siyang folder. "Aba't pakilista na lang ng pangalan mo dito hijo, bukas ang interview ha? Bukas ng alas tres ng hapon."

"Okaaaayyy!" Sabi ko at inilista doon ang pinakagwapo kong pangalan.

Jazz Young. Hehe.

"'Yan! Ayos, pangalan ko palang feeling ko matatanggap na 'ko!"

Confident ako kasi kung hindi ako, ano pa ang silbi na ako ang bida sa kwento na 'to? Hehehehehe.

Umalis naman na agad ako habang nakahawak pa rin sa dalawang strap ng bag ko at tumatalon-talon na naglakad.

Paris' POV

"Seriously?!"

My mouth was almost half-opened. I just can't believe na ganito karami ang mag-aapply! Para akong mahihimatay sa sobrang dami nila!

Nasa loob ako ng kotse ngayon habang tinatanaw ang mga lalaki sa labas ng bahay na nakapila. Napapikit ako saka napahawak sa sentido ko.

"This is so hilarious, I can't even look." Maarteng sabi ko. "Doon tayo dumaan sa likod." Utos ko sa driver.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon