Chapter 83

638 22 2
                                    

Swimsuit

Paris' POV

"Three, two, one!" Bilang ni Chuck saka kami nagkagulo sa pag-aagawan ng papel.

Agad akong kumuha ng nakaroll na papel sa gitna at dahan-dahan na binuklat iyon.

'Ed'

Napasulyap ako sa kanya pero napaiwas din naman agad nang tumingin ito sa akin.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at nagtitipon-tipon. Me and my friends saka si Jazz din at ang mga kaibigan niya. This coming weekend na iyong graduation at nagplano kami na mag exchange gift sa araw ng graduation. Kumbaga, magbibigay kami ng grauation gift sa taong mabubunot namin. Ewan ko ba kung anong pakulo 'to, pero masaya naman kasi kami-kami lang.

"Kaninong pangalan ang nabunot mo?" Agad kong inilayo at tinago iyong papel na hawak ko nang titingnan sana iyon ni Jazz.

"'Wag ka nga."

"Grabe 'to! Lalaki 'yan noh?! Malaki ang tsansa na lalaki 'yong mabubunot mo kasi anim kami ang lalaki rito!" Sigaw niya.

"Excuse me?" Napatingin kami kay Chez. "Do I look like a boy to you?"

"Bakit, babae ka ba? Eh wala ka ngang pek—" Agad ko namang tinakpan iyong bibig ni Jazz.

"'Wag mo nang ituloy. Mag-aaway na naman kayo niyan eh." Suway ko sa kanila. Tiningnan lang ng masama ni Chez si Jazz.

"Whooo! Ang swerte nitong nabunot ko! Bigyan ko nga 'to ng house and lot!" Sigaw ni Ed.

"Talaga? Patingin!"

"Sinuswerte ka?" Sabi nito kay Chuck sabay tago ng papel niya.

Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkukwentuhan. Nakakatuwa na nakakalungkot. Hays, sana pala matagal ko na silang nakilala.

"O, Jazz? Malapit na summer, malapit ka nang magdalaga." Ngisi ni Shon sa kanya habang sinusubuan si Caroline. Patanggi-tanggi naman si Caroline pero pinipilit pa rin siya ni Shon.

Ngayon, sigurado na talaga akong may something sa kanila.

Pero wait, what does he mean when he said magdalaga? I know na biro iyon pero, malapit na ba ang birthday ni Jazz? Gano'n ba ang ibig sabihin n'on?

"Oo nga noh? HAHAHA! Congrats tol! Mag dedese-otso ka na—"

"Dese-nuebe!" Pagpuputol ni Jazz sa sinabi ni Chuck.

"Ano'ng dese-nuebe? Huy, 'wag kang pa-virgin, mag dedese-otso ka pa lang—"

"Dese-nuebe nga!"

Napakunot ng noo si Chuck. Nagtaka rin ako kaya napatingin ako kay Jazz. Pinandidilatan niya ng mga mata si Chuck at si Chuck naman ay hindi maintindihan kung ano ang gustong iparating ni Jazz.

"I smell something's fishy." Bulong ni Chez na nasa tabi ko. "Why? What is it?" Bulong ko pabalik.

"Hindi mo ba nakikita at hindi mo ba narinig ha? Mag e-eighteen pa lang 'yan si Jazz at dini-deny niya lang kasi ayaw niyang magmukhang mas bata sa'yo. Nineteen ka na gurl alam mo ba 'yon ha?"

Napakunot ako ng noo at napatingin kay Jazz. Umiwas ito ng tingin sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Chez.

"What the hell is wrong with that?"

Of course, there is nothing wrong with that. But now, I find it a bit strange..? Lalo na at ako.. saka si Jazz.

"Illegal 'yan."

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon