• Heartbreak •
Paris' POV
Kasabay ng romantic music ay sumayaw kami ni Jazz. Tahimik lang kami habang dinadama ang masarap na ihip ng hangin at ang tunog ng mga naghahampasan na alon.
[Play video]
Nakahawak ako sa balikat niya habang nakahawak naman siya sa magkabilang bewang ko. Seryoso lang kaming nakatitig sa isa't isa habang hindi nag-iimikan. Sinimulan ko rin namang sabayan ng pagkanta ang tugtog.
'The other night, dear, as I lay sleeping
I dreamed I held you in my arms
When I awoke, dear, I was mistaken
So I hung my head and I cried'Hindi ko alam pero habang kinakanta ko iyon nang nakatingin lang sa kanya ng diretso, nalulungkot ako ng sobra.
'You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are grey
You'll never know, dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away'Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya kaya binaon ko na lang iyong mukha ko sa dibdib niya habang pinatuloy pa rin ang pagkanta ko na sinasabayan ang pagtugtog ng violin.
'I'll always love you and make you happy
And nothing else could come between
But if you leave me to love another
You'll have shattered all of my dreams'Naramdaman ko na lang ang kusang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko. Ang sakit lang kasi isipin na, gaya nga sa sinabi sa kanta, baka nga kung aalis siya at iiwan ako para magmahal ng iba, lahat ng pinangarap ko mapupunta sa wala. Pangarap na sana makasama siya habang buhay. Jazz, is my sunshine. Simula nang dumating siya sa buhay ko, feeling ko lumiwanag ang lahat. Marami akong natutunan at na discover sa mundo nang dumating siya. Mula sa pag-aappreciate ng mga maliliit na bagay hanggang sa pakikipagsalamuha sa lahat ng uri ng mga tao. Siya talaga ang nag mulat sa akin sa lahat.
'You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are grey
You'll never know, dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away'Pagkanta ko sa huling stanza ng song kasabay n'on ang pagtigil din sa pagtugtog ng lalaki at um-excuse. Tapos na raw ang oras niya. Pero imbis na sagutin siya ni Jazz, hindi siya nito pinansin dahil busy pa rin ito sa pag-angat ng mukha ko para makita niya.
"Umiiyak ka ba?" Tanong niya gamit ang malumanay na boses. Agad ko namang pinunasan iyon saka ako umangat ng tingin sa kanya saka ngumiti.
"Hindi, napuying lang ako dahil sa buhangin." Dahilan ko at ngumiti na rin siya sa akin. Ang gwapo niya naman sa ngiti niya. Ito ang ngiti niyang nakita kong napakaganda, iyong hindi ka maiinis. Totoong-totoo at alam kong sincere ang ngiting iyon.
"Ikaw ha, ang ganda pala ng boses mo. Feeling ko tuloy kanina habang kinakantahan mo ako, para akong nasa ulap. Parang anghel naman kasi ang boses mo eh. Huy, 'di 'yon joke ha? Seryoso ako." Sabi niya sabay hawi ng buhok ko nang biglang humangin.
"Tara na, balik na tayo sa bahay." Sabi niya sabay akbay sa akin. Tumango naman ako saka ngumiti.
Ilang araw pa ang lumipas habang doon pa rin kami nag s-stay sa kanilang bahay-bakasyunan. Naging masaya lang ang nakalipas na araw at hindi naman naiwasan ang asaran doon. Pero kahit pa ilang beses na kaming nag-asaran at nag-aaway, nauuwi pa rin siyang humihingi ng tawad at nag lalambing sa akin. Kaya nga gustong-gusto ko talagang nag-aasaran at nag-aaway kami eh, hehe.
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...