Chapter 42

622 24 0
                                    

Imagination

Paris' POV

"Sa'yo.."

Napataas ako ng isang kilay. Joke na naman siguro 'to this time. Hindi ko na pinansin iyong sinabi niya at nag kibit-balikat lang ako saka nagpatuloy lang sa aking pagkain.

"Oh?" Napatingin naman ako sa kanya nang magsalita ito. "Hindi mo man lang pinansin ang sinabi ko." Nakakunot ang noong sabi pa niya.

"Bakit pa? Sanay na 'ko sa jokes mo noh." Sabi ko sabay nguya ng kinakain ko.

He crossed his arms at napapailing na sumandal sa kanyang upuan.

"Iyan, 'yan ang gusto ko! Prend-advice lang girlpren, hindi ka dapat madaling mahulog sa mga sinasabi ng mga lalaki. Halos lahat 'yon, hindi totoo. Hindi ko naman nilalahat, pero gano'n talaga karamihan. Kaya, tama iyong ginawa mo. Good job!" Sabi niya sabay thumbs up.

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. "So, isa ka rin pala sa mga lalaking iyon? Na mahilig manloko sa mga babae?"

Napatigil ito nang mapagtanto ang kanyang sinabi. "S-syempre hindi! Exempted ako noh."

Hindi ko na siya pinansin pa at inubos na lang ang kinakain ko.

"Syempre, masarap iyong luto ko kasi luto ko 'yan para sa girlpren koooo~" Halos pakanta pang sabi niya. "Sabi mo kasi, sa natitirang dalawang buwan na nasa kontrata, mag-aarte tayong parang totoo ang relasyon natin. Kaya, ginawa ko 'to. Ang sweet, 'di ba?" Proud na proud pa sa sarili na sabi niya.

Ginawa niya lang kasi sinabi ko. Haha, ang galing niya talagang umarte kahit kailan. Pwede na siyang mag-artista.

"You took it seriously? It was just a joke. I was drunk that night at hindi ko alam ang mga pinagsasasabi ko." Palusot ko.

"Sus, but you super like it? 'Wag ka nang magsinungaling, kitang-kita ko na gusto mo naman. Sarap na sarap ka pa nga sa niluluto ko eh." Walang pag-aalinlangang sabi niya.

"Saan mo ba ako balak dalhin ngayong araw?" Tanong ko sa kanya para maiba naman.

"Hmm, 'di ba gusto mong pumunta doon sa garden na sinasabi mo? Punta tayo ro'n. Basta, marami akong plano. Ako'ng bahala sa'yo."

Jazz's POV

Tingnan mo nga naman. Para siyang bata na akala mo ngayon lang nakapunta rito.

"Jazz! Let's go! Bilisan mo! I want to go over there! KYAAAAH! Sunflowers!" Tumitili na sigaw niya saka ako hinila.

"Aish, pwede bang dahan-dahan lang?! Kararating lang natin dito, hihilahin mo 'ko doon, kapag dumating na naman tayo doon, hihilahin mo na naman ako dito. Hindi ba tayo magpapahinga? O 'di ka ba napapagod? Kasi ako, oo! Kanina pa!" Sabi ko sabay kalas sa pagkakahawak niya sa akin at umupo sa isang bench sa tabi.

"Tsk! Kasalanan mo naman dahil dinala mo 'ko rito!" Pagmamaktol niya at umupo rin sa tabi ko pero nakatalikod sa akin at naka-bente-kwatro pa na upo sabay krus ng braso.

"Makinig ka, hindi pa nauubos ang isang araw malilibot natin 'to, okay? Relax lang. Pag pahingahin mo muna boypren mo, pagod pa 'ko. Mga 5 minutes lang, okay? Tapos go agad tayo." Sabi ko habang nakahawak sa balikat niya. Tinapik niya naman agad iyon. Hayup 'to..

"Wala, ayaw ko na. Tinatamad na 'ko." Sabi pa niya. Tsk, ano siya bata? Gusto pa yata nitong suyu-suyuin eh.

Napipilitan na lang akong tumayo habang nag kakamot pa sa batok. "Tara na nga lang, sige na. Tumayo ka na diyan." Yaya ko sa kanya.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon