• Hindi kita iiwan •
Paris' POV
"Teh, 'di ba magaling ka rito? Ikaw nga ang gumawa nang gumanda-ganda naman 'yang drawing ko." Nakangusong sabi ni Chez at binigay sa akin ang kanyang drawing book na may nakaguhit na gown saka isang set ng colored pencils. Sabi raw kasi nila maganda raw ako mag kulay. Ewan ko ba, ni hindi ko nga napansin iyon eh.
Hinihintay lang namin na bumalik si Caroline para makakain na kami. Siya kasi ang pumila at nag-order doon.
Sinimulan ko na iyong kulayan pero napapatigil din lalo na kapag maririnig ko ang hagikhikan ni Jazz at ni Melody na anak ni Manelito sa katabi naming table.
Tss, after noong mangyari ang CPR na iyon naging close na sila agad? At nalaman ko pa na mag classmates pala sila? Tss, ang nakakainis pa dahil ang lakas pa ng tawanan nilang dalawa. Hindi ba obvious na marami rin ang tao rito na kumakain? Kailangan ng peace of mind or something? Sila itong mga walang respeto.
"Pero salamat ha? Siguro, kung hindi mo ako iniligtas noong araw na 'yon, baka w-wala na ako rito ngayon at hindi tayo mag-kausap." MAARTENG SABI NI MELODY.
Oo, tinutulungan ko siya dahil anak siya ni Manelito pero hindi pa ako kahit kailan nakipag-usap sa kanya. Maliban sa hindi ko siya gustong kausapin, nahihiya rin siya sa akin. Kaya sa ama niya na lang pinapaabot ang buong pagpapasalamat niya sa pagtulong ko sa kanya para makapag-aral siya. Tss, nahihiya? Eh, ano iyang ginagawa niya ngayon? Hindi ba siya nahihiya sa akin? Alam niyang boyfriend ko si Jazz pero makaasta siya parang---! TEKA! Ano'ng pinagsasabi ko?!
"AISH!" Binitiwan ko sa sobrang inis ang hawak kong colored pencil.
"Luh, okay ka lang beh?" Tanong sa akin ni Chez habang nakahawak pa rin ang kanyang dalawang kamay sa kanyang cellphone. "Yeah, masakit lang ulo ko. Pero okay lang ako."
"'Wag kang bumusangot nang ganyan habang kumakain tayo ah." Sabi ni Caroline na nandito na pala at dala-dala ang isang tray na puno ng pagkain.
"Nakabusangot ba ako?" Tanong ko naman sa kanya. "Bakit, hindi ba?" Napa-tsk na lang ako at tinulungan siyang ilipat ang mga pagkain sa table namin.
"Ah, kaya ka siguro nag kakaganyan dahil sa boyfriend mo." Nakangiting sabi niya sabay nguso sa kabilang table kung saan nandoon sila ni Jazz.
Tuluyan na siyang umupo sa upuan niya. "So may LQ nga? Halata naman, mukhang hindi kasi kayo nag papansinan."
Dalawa lang kaming nag-uusap ni Caroline kasi busy naman kaka-cellphone si Chez. Kumain ako ng fries habang nakikipag-usap kay Caroline.
"May itatanong lang ako, may napapansin ka bang may nagbago sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Marami."
Napakunot ako ng noo. Marami ba?
"Una, less na ang pagiging maarte mo." Napakunot na naman ako ng noo sa ikalawang pagkakataon nang sabihin niya iyon.
"Paanong.."
"Hindi ko nasabi sa'yo, pero isang araw kasi noong pumunta ako sa plaza kasama ang pinsan ko, nakita kitang kasama 'yong driver mo at nag h-haul kayo ng street foods." Natatawang sabi niya.
What the hell, may nakakita pala sa amin no'n? At si Caroline pa talaga?
"Pangalawa, sa pananamit mo. Simula noong araw na pinakilala mo sa amin na boyfriend mo si Jazz kahit nagtatrabaho lang siya sa'yo, doon ko napansin na nagiging simple ka na lang? Ewan ko ba, 'yon kasi iyong napansin ko eh." Pahayag niya. Agad naman akong dumipensa.
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...