Chapter 78

676 18 9
                                    

Panaginip

Paris' POV

We are silently walking and awkwardly holding each other's hand while swaying it. Para akong kinikiliti sa puson tuwing maiisip ko na pareho kami ng nararamdaman. Nakakatuwa lang kaya mayamaya ay pangiti-ngiti na naman ako na parang tanga.

Pasulyap-sulyap lang kami sa isa't isa tapos agad din naman iiwas. Uulitin din naman iyon at iiwas na naman.

"Ang saya-saya ko." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. "Kahit na nanliligaw pa lang ako sa'yo, feeling ko tayo na rin." Nakangiting sabi niya saka nilingon din ako.

"Psh, feeling ka naman talaga eh." Ngisi ko naman. Hinalikan niya ng mabilis ang likod ng kamay ko.

"Ako lang dapat ang pwedeng manligaw sa'yo ha? 'Wag kang papayag na may manligaw sa'yo na iba kapag pumayag ka, hihiwalayan kita, matakot ka." Banta niya sa akin.

Natawa naman ako. "Eh, sa hindi nga tayo. Assuming ka talaga as ever."

"Basta, ako lang dapat ang pagtuonan mo ng pansin. Ayaw kong inaagaw ng iba lalo na ng ibang mga lalaki ang atensyon mo. Ngayon palang sinasabihan na kita kaya pakatandaan mo 'yan." Bilin niya pa.

Nakarating na rin kami sa harap ng bahay at tumayo na ako sa harap ng gate at hinarap siya pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Pasok na 'ko, Jazz."

He frowned. "Miss na kita agad."

Kinilig naman ako, pero syempre hindi ko iyon pinahalata noh. "Eh, hindi pa nga tayo naghihiwalay eh. Tingnan mo nga o, magkahawak pa rin ang mga kamay natin. Wala ka na bang balak na bitawan at pakawalan ako?"

"Wala, dahil simula ngayong araw na 'to, ikinulong na kita sa puso ko. Wala na akong balak na bitawan ka at lalong-lalo na wala akong balak na pakawalan ka." Seryosong sabi niya at marahan na hinalikan na naman ang kamay ko. Shit, nagiging hobby niya na iyon ah.

"Baliw ka." Sabi ko habang pinipigilang ngumiti.

"Baliw sa'yo." Ngisi niya.

"Paris!" Pareho kaming nagulantang ni Jazz sa tumawag sa akin kaya pareho kaming bumitaw sa kamay ng isa't isa at bigla na lang sumulpot si dad galing sa loob at lumabas dito sa amin sa may gate.

"Gabi na ah! Saan ka galing?" Sabi nito at hinila ako papalapit sa kanya.

"D-dad! Teka, akala ko ba n-next month ka pa uuwi sa graduation ko?!" Nauutal na sabi ko.

"May bagong project kami malapit dito sa city natin." Lumingon ito kay Jazz. "At ikaw, ano'ng ginagawa mo rito at bakit mo kinakasama palabas ang anak ko ng ganitong oras ng gabi?!"

"P-po? Ah, ano--"

"Dad, sa loob na tayo mag-usap." Pigil ko sa kanya.

"You're not allowed to talk to other guys, Paris. Lalo na dito sa hired boyfriend mo!" Turo niya kay Jazz na ikinagulat ko.

"D-dad! How did you--"

"You're mom told me. Akala ko noong una, okay lang 'cause I thought he was your real boyfriend kaya hinayaan kita. Pero ngayon, hindi na kita hahayaang lumapit pa sa mga lalaki lalong-lalo na sa lalaking ito. You're getting married after college so you better avoid them." Mahabang sabi niya.

I'm getting married after college?!

"Teka lang naman po sir, mawalang galang na. Bakit niyo siya pagbabawalan na sumama sa akin? Ano ba ang ginagawa ko sa kanya? Saka, sabi niyo magpapakasal na siya matapos ang college kaya gusto niyong iwasan niya ang mga lalaki lalong-lalo na ako. Papayag ka ba na iiwas ang anak mo sa taong pakakasalan niya?" Dire-diretsong sabi ni Jazz na ikinagulat ko naman.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon