Chapter 4

1.3K 53 1
                                    

Matagal na kitang..

Jazz's POV

Taena badtrip ako kay girlpren ah! Pasalamat siya at libro lang iyong binato ko sa kanya! Gusto ko nga sanang batuhin siya ng bato kaso baka mamatay siya kaya hindi ko na lang itinuloy. Mabuti pa ako may puso.

"Huy! Ano raw 'yon?!" Bungad naman sa akin ni Ed sabay tapik sa balikat ko.

"Ang alin?" Tanong ko naman sa kanya.

"'Wag ka ng mag maang-maangan gago ka! Bakit kasama mo 'yong babaeng 'yon?! Iyong palaging naliligo sa perfume! HAHAHAHAHA!" Tawa naman ni Chuck. "Chick 'yon brad! Matagal ko nang gustong ikama 'yon kaso baka basagin n'on itlog ko kaya 'wag na lang." Dugtong pa nito.

"Sa dami na nang ikinama mo malamang matagal nang baog 'yang itlog mo." Tawa naman ni Shon sa kanya.

Naiinis naman akong umupo habang kinakamot iyong ulo ko.

"Taena lang kasi mga tol! Iyong erpats ko binenta 'yong kotse ko! Dahil 68 ako sa english! Hinayupak talaga 'yong virgin na 'yon!" Sigaw ko na tinutukoy iyong teacher namin sa english.

"Daanin mo kasi sa santong basbasan." Si Chuck sabay ngisi.

"Ulul! Ma-wrinkles na 'iyon noh, alam mo 'yon makunat, yuck." Maarteng sabi ko. Tingini, mukhang nahawa na ko sa girlpren ko.

"Sinasabihan naman kita na tutulungan kita pero ikaw naman 'tong tinatamad. It's your own loss." Sabi naman ni Sack habang gumagawa ng project sa science. Pag matalino nga naman, tss.

"Pero seryoso, bakit ka nga ba sumasama ro'n? Nakita ko pang niyakap mo siya kanina kasi ang laptrip naman talaga ng mukha n'on! Hahahaha!" Si Shon habang inaayos ang string ng gitara niya.

"Nag-apply nga ako na maging boypren niya kaya ayon, ako ang natanggap." Paliwanag ko.

Bahagya pa silang nagulat. "Kailan pa nagkaboyfriend, ang isang man hater?" Si Sack saka ngumisi habang tutok pa rin doon sa project niya.

"Trabaho lang nga! Engaged na si girlpren kaya sinasanay na maging komportable siya sa mga lalaki bago niya makilala ang lalaking 'yon. Taena 'di ba, mga manggagamit? Pero okay na 'yon atleast may pera akong nakukuha." Saad ko pa.

"Uy, baka mahulog ka sa kanya haaaaa?" Pang-aasar naman ni Ed.

"Huy gago, mangarap siya! Sino'ng magkakagusto sa babaeng 'yon? Puro english ng english hindi naman kagandahan. Ang arte-arte pa." Nakangiwing sabi ko.

"Hoy! Andaming nagkakagusto sa babaeng 'yon! Ulul ka baka abangan ka mamaya do'n sa labas! HAHAHAHAHA!" Tawa ni Chuck. Bwisit talaga sa buhay 'tong si Chuckie ansarap ilagay sa dilaw na kahon at ipasok sa ref.

"Basta, ingat ka. Sa panahon ngayon, ang mga tao mabilis nang mafall. Malay mo bukas marealize mo na, mahal mo na pala siya." Nakangising sabi ni Shon. Isa pa 'tong bwisit sa buhay eh.

"'Wag mo 'kong daanin sa ganyan baka gawin kitang kamukha ni Tado!"

"Tss, paalala lang 'yan kaibigan. Hindi naman siguro mangyayari 'yon kung sa'yo 'di ba?" Nakangisi pa rin na sabi niya. Kailan ba ito matitigil sa pagngisi-ngisi? Punitin ko mukha nito eh.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon