Chapter 52

638 21 4
                                    

Sunset

Paris' POV

Kakatapos lang ng christmas party namin at pauwi na ako ngayon sa bahay. Kanina pa tawag ng tawag si Jazz na bilisan ko raw kasi kanina pa siya nag hihintay.

"Eh bakit ba kasi hindi mo na lang ako sunduin?" Naiinis na sabi ko habang nag papara ng taxi.

"Mag d-drive ako ng dalawang oras tapos papagurin mo ako? Wala kang awa." Sabi niya naman sa kabilang linya.

"Nasaan ka ba kasi?" Pumasok na ako sa loob ng taxi at nag pahatid pauwi.

"Nandito sa bahay niyo."

"What? Ano naman ang ginagawa mo diyan?" Nag tataka kong tanong.

"K-kumakain. Pinakain ako ni mama kasi sabi niya dapat daw may energy ako sa byahe, huehuehue." Napailing naman ako.

"Tss, inuto mo na naman si mom."

"Anak niya rin naman ako ah." Tss, mukha mo.

"Malapit na 'ko." Sabi ko saka binaba ang tawag.

Ilang minuto lang at nakarating na ako sa bahay. Naabutan ko pa rin siya doon na kumakain.

"Ang dami naman yata niyan." Sabi ko sabay hubad ng heels ko.

"'Wag mo nga akong pakialaman. Aba't mag bihis ka na doon at mag impake." Utos niya sa akin.

"Where's mom?"

"Nasa opis niya, huehue. Bilisan mo at aalis agad tayo. Hapon na mamaya." Umakyat na ako sa sa kwarto at nag impake muna.

Pinaalam ako ni Jazz kay mom na mag va-vacation kami sa bahay bakasyunan nila na medyo malayo sa city. Mga isang linggo lang naman before mag christmas. Syempre, para naman makapag relax at ang sabi pa niya malapit daw iyon sa beach.

Matapos mag impake ay nag shower na ako agad at nag suot ng damit na komportable. Oversized shirt at tinuck in ko ito sa aking high waisted shorts. Nag tsinelas na lang din ako para hindi masyadong mapagod ang mga paa ko.

Bumaba na ako dala-dala ang maleta ko. Nakita ko namang nakaabang siya sa baba. Natulala pa siya ng konti sa akin kaya napakunot ako ng noo.

"Okay ka lang?" Tanong ko saka tuluyan nang bumaba at lumapit sa kanya.

"O-oo naman, tss." Sabi nito sabay iwas ng tingin.

"Be sure na babantayan mo ng maigi si Paris." Napalingon naman kami sa may hagdan at nakitang pababa doon si mommy.

"Syempre naman po mama! 100% safe siya sa akin! Ibabalik ko siya ng walang galos at walang sugat! Kahit isang hibla ng kanyang buhok ay hindi namin iiwan doon! Wahahahaha!" Sabi ni Jazz at saka weird na tumawa.

"O sige, mag enjoy kayo. Alam ko naman kasing mamimiss niyo ang isa't isa lalo na't matatapos na ang trabaho ni Jazz next month." Seryosong sabi ni mom.

As in? Sinabi niya talaga iyon na mamimiss namin ang isa't isa sa harap naming dalawa?

Napatingin naman kami ni Jazz sa isa't isa at agad din na umiwas ng tingin.

"'Wag ka pong mag-alala mama, ako bahala." Nakangiting sabi niya kay mommy.

Hinatid kami ni mom sa labas at ang gagamitin namin kotse ay ang kotse ko. Iyong minsan nang ipinag-d-drive ni Manelito, hayss.

"Okaaayy! Ready'ng-ready na ako!" Sabi nito at nag stretching matapos umupo sa driver's seat. Sinuot ko naman ang seatbealt ko.

"May pa stretching ka pa akala mo sasalang ka sa laro." Sabi ko pa at umayos ng upo saka kinuha ang tubig ko na dala.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon