Chapter 67

564 23 4
                                    

Mascot

Paris' POV

"Okay na ako sabi." Sagot ni mom. Ilang ulit na rin namin siyang pinilit na mag pahinga pero ayaw niya. Tingnan mo siya ngayon, nakuha pang mag linis ng bahay.

Tatlo na kami ang pumipilit sa kanyang mag tigil at mag pahinga pero ayaw pa rin. Miraculously, wala namang masamang nangyari kay mommy, kailangan niya lang talagang mag pahinga at hindi pagurin ang kanyang sarili.

"Mom, you're making us worry. I'll do that for you, just stop." Alok ni London sabay agaw ng walis.

"No, ako na. Mag computer ka na ro'n, wala naman akong schedule kaya ako na." Sabay agaw ni Kori.

"We still have our maids to do that." Sagot ko naman.

"Kayo talaga, pwede ba? Alam kong may mga lakad kayo. Tingnan niyo nga 'yang mga suot niyo." Napatingin naman kami sa mga suot namin. Halata ngang may pupuntahan kaming tatlo.

"Sige na! Umalis na kayo!" Taboy nito sa amin at pinagtutulakan kami sa pinto.

"Mom! Don't be so stubborn! We can stay here and help you!"

"'Wag mong pagurin sarili mo kasi!"

"We're afraid that something bad will happen to you again, at wala na naman kami rito. We will do whatever you want just don't do such things na makakasama sa'yo."

Awtomatikong natigil kaming lahat sa sinabi ni London. Wow, I never expected that he would say something like that. Err, and now this is awkward.

"Listen," Pinaharap niya kami sa kanya.

"My beautiful Korea," Hinawakan niya sa pisngi si Kori. "My baby London," Hinawakan niya rin sa pisngi si London. "And my pretty Paris, if there is one thing na gusto kong gawin niyo para sa akin.. 'yon ay ang makita kayong nagkakasundo na magkakapatid." Seryosong sabi nito sa amin.

"Hindi ka naman namamaalam right?" Muntik ko nang sapakin si London sa sinabi niya.

"Ikaw talaga!" Sigaw ni Kori sabay batok sa kanya.

Natawa na lang kaming apat. We love our mom very much and I will do whatever it takes para lang mapasaya siya, kahit pa ang makipagkaibigan sa sarili kong mga kapatid ay gagawin ko.

Jazz's POV

Mag d-date kami ngayon ni Gabrie! Namiss ko rin siya! Hayss, ano ba 'yan, araw-araw ko na lang talaga siyang namimiss, abuso na ako masyado, huehue.

Nag-mall kami! Syempre, kahit anong gusto niya ay binibigay ko. Kahit saan rin siya gustong pumunta, sumasama rin ako.

Dala-dala ko ang sandamakmak na kanyang pinamili. Woah, marami pa 'to kesa sa mga pinagbibili ni Paris. Dumiretso kami sa isang sosyal na restaurant para doon kumain.

Habang naghahanap kami ng mauupuan ay nakita namin sina Paris saka si Marasigan na nakaupo sa isang table. Sa isang table ay may apat na upuan pero magkatabi silang dalawa at may bakante pang dalawang upuan doon sa harap nila.

"Oh, look! Doon tayo!" Nakangiting sabi ni Gabrie sabay hila sa akin papalapit sa kanilang table.

"Hi! Pwede ba kaming umupo rito?" Nakangiting tanong ni Gabrie.

Napatingin ako kay Paris at nailang na ito nang dumating kami. Natigil tuloy iyong usapan at tawanan nila ni Marasigan, tss.

"Sure, why not?" Sagot ng gagong si Marasigan.

Napilitan naman akong umupo at ngayon magkaharap na kami ni Paris. Napaiwas naman ako nang tumingin ito sa akin.

Shit! Oo nga pala! Nakakahiya, nakita niya pala na siya iyong wallpaper ko noon!

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon