Chapter 72

524 22 4
                                    

Flying Kiss •

Paris' POV

"Kay sino 'yan?" Tanong niya at tinuro ang mga binigay sa akin ni France na mga chocolates at balloons.

"Sa'yo na lang?" Sabi ko sabay bigay sa kanya ng chocolates.

Umiling naman siya at napahimas sa kanyang tiyan. "I'm sorry, I don't like chocolates. Aym ona dayet."

"G-gano'n ba? Sige, kakainin ko na lang 'to mamaya. Bigay pa naman 'to ni France." Sabi ko pero nagulat na lang ako nang bigla niyang hablutin iyon lahat at agad na binuksan saka kinain ang tatlong piraso.

"Ang sabi mo you don't like chocolates at nag d-diet ka?" Nagtatakang tanong ko.

"I changed my mind." Sabi nito habang nilalamon pa ang natirang chocolates doon sa box.

Tumango-tango naman ako at doon tumingin sa kaliwa ko. Nasa kanan ko kasi siya.

Gosh, ang awkward nito I swear. Parang kagabi lang kasi nangyari iyong--iyong kiss! Hindi ba siya naiilang sa akin? Pero, may gusto talaga akong malaman mula sa kanya.

"Pwede na bang ipatanggal 'to?" Tanong ko.

"Hindi pa, matagal-tagal pa." Sabi niya habang kinakain pa rin ang mga chocolates at kinuha isa-isa ang mga balloons at pinutok iyon gamit ang pinulot niyang matulis na bato sa lupa.

"What the..?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bakit?"

"Bakit mo pinutok?! France gave that to me!" Sigaw ko sa kanya. Hindi arte iyan, totoo talagang galit ako.

"Ang boring kasi eh. Kausapin mo naman ako."

"K-kinakausap naman kita ah!" Sigaw ko.

"O, talaga? Eh halatang naiilang ka sa akin eh. Hindi ka pa rin ba maka-move on sa kiss natin kagabi?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Saan niya ba nakukuha ang lahat ng kakapalan ng mukha niya para itanong iyan?! Hindi niya ba alam na ang awkward kapag iyon pa talaga ang pinag-usapan namin dito?!

"E-excuse me! Ako?! Ha! Muntik na nga akong bangungutin kagabi dahil sa ginawa mo--"

"Ginawa natin! Hinalikan mo ako pabalik saka humawak ka pa sa balikat ko at pinulupot 'yon sa leeg--"

"Aaarrgh! I don't want to hear that!" Sabi ko sabay takip sa magkabilang tainga ko. Nahila ko pa tuloy iyong kamay niyang nasa posas din.

"Aray! Dahan-dahan naman." Sabi niya saka ngumuso.

Magsasalita pa sana ako nang tumatakbong lumapit si Chez sa amin.

"Ay aba! Nandito pa rin pala kayong dalawa. Akala ko nasa gym na kayo! Aba't bilis-bilisan niyo diyan at magsisimula na ang program! Kayo raw ang couple na mag rerepresent sa batch natin! Bilis!" Nag mamadaling sabi ni Chez at pilitan kaming pinatayo.

"Ayos! Gusto ko 'yan!" Sabi ni Jazz sabay tayo.

"Wait--paano--"

"Pinili kayo ng mga ka-batchmates natin! Kaya bilis naaaa!" Naiinis na na sabi niya.

"Eh, 'yong posas?!"

"Okay lang 'yaaaaan! Hali na kayo!" Sabi niya pa saka hinila na kami ng tuluyan papunta sa gym.

Habang papunta kami doon ay nakasimangot lang ako at ito namang si Jazz ay walang humpay ang pag ngiti na akala mo nanalo sa lotto.

"Stop smiling like that."

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon