• Nang dahil sa balut •
Paris' POV
We went to that mall at hindi ko inexpect na hindi ito ang mga nakasanayang malls na pinag-sho-shoppingan ko. Parang gano'n pa rin! Pare-pareho lang sila ng mga binibenta.
I know half of the products they sell are fake! Duh! But this guy didn't even care!
"Diba gusto mo shades? Para di ka masilaw sa kapogian ko?"
"Eww, don't need one"
"Kailangan! Baka mabulag ka kasalanan ko pa"
Ambisyoso talaga.
"It looks fake okay?! Look at that! Isang kuskos ko lang diyan paniguradong mag f-fade na 'yan!"
"Hindi naman halatang fake ah! Bilhin ko na 'to para may magamit ka. Saka, wala naman 'yun ngayon sa pa-original-original eh. Ang importante do'n, kung magaling kang magdala"
Aba, at saan niya naman nakuha 'yun?!
He buys me clothes, bakya shoes, he buys me everything. Same ng mga sinusuot ko pero hindi branded. Ewan ko kung maiinis ba ako o matutuwa sa kanya.
Bitbit niya lahat ng pinamili niya para sa akin while me is walking like a boss. Kasalanan niya 'yan. Kung branded sana 'yan ako ang magbibitbit lahat ng 'yan.
"Where will we go after this? I'm so tired na!" Sigaw ko at nilingon siya pero nagtaka naman ako dahil wala na siya do'n.
"Hey!" Sigaw ko pero pinagtinginan lang ako ng mga tao.
"Jazz!"
Bumalik ako sa pinuntahan namin.
Nakaramdam ako ng kaba. This place isn't familiar to me at natatakot akong mawala. And I have nothing but him.
"Hi miss"
"Pengeng digits miss"
"Wow, sexy"
I almost cried. Napahawak ako sa buhok ko. He's nowhere to be foud. I feel unsafe.
"Girlpren!"
Napaangat ako ng balikat. Galit ko siyang hinarap pero hindi ko na naituloy pa 'yun nang bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha.
"Tingnan mo 'tong nakita ko! Hahahaha! Ang cute diba? Naalala tuloy kita! Hahahaha! Oh, isuot mo" Sabi niya sabay kuha ng headband na may sungay na umiilaw at sinuot 'yun sa akin.
Tiningnan ko lang siya ng masama. Unti-unti namang naglaho ang ngiti niya nang mapansin niya 'yun.
"Bakit? May p-problema ba?"
"Why did you left me there?!"
"H-hindi kita iniwan---"
"You did! Hindi mo ba alam kung ano'ng takot ang naramdaman ko nang makitang mag-isa na lang akong nakatayo do'n?!"
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...