• First and Last •
Paris' POV
"Malayo pa ba?" Tanong ko sa kanya. Tinatakpan niya kasi ang mga mata ko habang dinadala ako kung saan.
"Malapit na~ Konti na lang!" Excited na sabi niya saka siya tumigil.
"Nandito na tayo! Ready ka na?" Tanong niya sa akin.
"Tss, oo kaya." Sabi ko na lang. Iniiwasan kong ipakita sa kanyang kilig na kilig ako noh. Baka lumaki pa lalo ulo niya.
"In three, two, one." Sabay sa pagtanggal niya ng kamay niyang nakatakip sa mga mata ko ay ang pagtugtog ng isang romantic music galing sa lalaking nag v-violin sa gilid.
Napanganga na lang ako at na overwhelmed ako ng sobra sa nakita ko.
Inihanda niya talaga 'to para sa date namin?
"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong niya pero agad na tango lang ang nasagot ko.
May inihanda siyang isang romantic table setting sa gilid ng beach. May mesa doon at may dalawang upuan. May nag v-violin naman sa gilid ng mga romantic songs. May design na tela sa apat na corner at pinagtagpo iyon sa ibabaw. Para na tuloy siyang nag triangle shape at nilagyan pa ng chandelier sa itaas. May mga lanterns pa sa gilid ng daan na nagkalat. White and kabuoang motif nito at dahil sa sobrang ganda hindi ko na masyadong ma-explain! Masyado na akong nahalina sa sobrang ganda ng pagkaka-arrange ng setting dito kaya nang dahil sa inis ay sinapak ko si Jazz sa dibdib.
"Walangya ka!" Sigaw ko.
"Ano?! Sinurprise ka na nga, ganyan pa ang igaganti mo!" Sigaw niya sa akin pero hindi na ako nakasagot pa nang lumapit sa amin ang isang lalaki.
"Sir, ready na po ang pinaset niyong bonfire doon." Sabi niya sabay turo doon sa hindi kalayuan. Nagtataka naman akong napatingin doon at may bonfire nga gaya ng sabi niya.
"Sige, salamat ha?" Sabi naman ni Jazz saka umalis iyong lalaki.
Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin. "A-ano'ng.."
"Tara na girlpren!" Yaya sa akin nito.
"S-saan..? Akala ko ba.."
"Akala mo dito?! Teka--inakala mo talagang dito?!" Natatawang sabi niya. "HAHAHAHAHA! Sino ako akala mo, boypren mong maghahanda ng ganito sa pers anibersary niyo?! HAHAHAHA! Hindi ko afford 'yan, uy."
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Ang sakit naman ng biro niya. Sa sobrang inis ko ay nilayasan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Siguro, dahil nag-expect talaga ako sa kanya ng sobra. Tingnan mo ngayon, ako lang itong nasaktan. Naramdaman ko namang sinundan niya ako. Pinigilan niya ako sa braso pero agad ko rin namang kinalas iyon saka ko siya hinarap. Nagulat pa siya nang makitang naiiyak ako.
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...