Chapter 84

580 21 2
                                    

When the jerk strikes again

Paris' POV

🎶 Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
Lalalala~Lala~Lalalalala
Lalalala~Lala~Lalalalala 🎶

Nagpalakpakan kami matapos kaming makipagjamming habang nag gigitara si Shon. Gabi na at nandito kami sa gilid ng dagat at nakaupo sa buhangin. Pumapalibot kami sa ginawa nilang bonfire habang tinutunaw sa apoy ang marshmallows na nasa stick na hawak namin.

Ramdam kong humiga si Jazz sa balikat ko. Napatingin ako sa kanya saka ako napangiti. Nag sh-share kami sa isang kumot na balot na balot sa buong katawan namin.

Hinawi ko iyong buhok niya habang malumanay na dumadampi ang ihip ng hangin sa mga buhok at mukha namin.

"Tired?"

He groaned. "Sino'ng hindi mapapagod? Ang sasakit kaya ng ginawa mo sa akin buong araw. Hindi mo lang ako sinaktan ng pisikal, emosyonal pa."

"Eh, ikaw kasi eh." I pouted.

"Tapos ngayon ako pa talaga? Tsk, kung hindi ka lang nagsususuot ng bra at panty kanina eh."

"Eh, ano ang gusto mo? Mag pajamas ako, gano'n? Saka, dati nga kapag nag su-swimsuit ako hindi mo naman ako pinapagalitan ng gano'n eh." Sumbat ko sa kanya.

"Iba na 'yong noon sa ngayon, okay? Kilala mo ako, kapag pagmamay-ari ko na ang isang bagay, hindi ako nakikihati. Kilala mo rin ako na maramot lalo na sa mga taong malapit sa akin at ikaw, isa ka sa mga taong 'yon." Mahabang sabi niya.

"Sus." Sabi ko at sinusubukang itago ang kilig na nararamdaman.

"Pero kung gusto mo talagang mag bra't panty, eh dapat 'yong tayong dalawa lang. 'Yong alam mo na, 'yong mga oras na solong-solo lang kita." Binulong niya pa ang kanyang huling sinabi sa tainga ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga kaya agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking mga braso at leeg.

Siniksik niya pa iyong mukha niya sa leeg ko. Hinawi-hawi ko lang iyong buhok niya habang tahimik itong nakapikit at nakahiga sa balikat ko.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na silang pumasok.

"Pasok na kami, sunod kayo ha?" Si Caroline. Sinagot ko naman siya ng tango.

"Oy, beh. Pasok na kami, may booking pa kasi ako with fafa Ed! Emegesh! For the first time and forever~ KYAAAAAH!" Tili ni Chez at nakita kong inakbayan siya ni Ed.

"Iyong usapan natin ha? 1,500 sabi mo."

"Sus! Gawin na nating 2 kya! LEZGOO! KYAAAAAH!" Tili pa nito saka sila umalis. Napakunot ako ng noo.

Ano'ng 1,500? Ano'ng booking? Hindi ko gets. Ano kaya ang gagawin nila? Comment down below.

Ngayon, dalawa na lang kami ni Jazz ang naiwan dito. Masarap ang ihip ng sariwang hangin, masarap din pakinggan ang tunog ng mga hampas ng alon, ang apoy na buhay pa rin saka nag-aalab, mga bituin sa langit na kumikislap, at iyong taong kumumpleto sa buhay ko na katabi ko ngayon. Sa tingin niyo, ano pa kaya ang maaari kong hilingin sa mga oras na ito? Everything.. is just so.. PERFECT.

| Play video |

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon