Chapter 23

720 21 0
                                    

Sweat

• Sweat •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paris' POV

Okay, so we went to the mall at akala ko ay joke niya lang iyon. You know him, ang hilig manloko. Pero totoong dinala niya nga ako sa mall para nga raw i-celebrate iyong monthsary na ewan ko ba kung importante ba talagang i-celebrate iyon.

"I want to buy a dress-wait, it's not that really necessary pala. Handbag na lang kahit isa," Request ko sa kanya.

"Ayiiiee~ Natuto na siyang magtipid!" Sabi nito sabay akbay sa 'kin.

"Ayos 'yan, may natutunan ka rin pala sa akin ano po girlpren ko?"

"Psh, natutunan your face" Sabi ko sabay tanggal nung braso niyang nakaakbay sa akin saka bahagya pang lumayo sa kanya.

"Totoo naman ah, tss. Palibhasa kase, hindi mo pa matanggap na naging good impluwens ako sa'yo! Like, duh!"

"Hindi bagay sa'yo mag-inarte" I rolled my eyes saka siya iniwan do'n.

Pumunta kami sa botique ng isang sikat na brand kung saan isa ang brand na 'yon sa mga favorites kong pagbilhan ng bags.

Abot langit ang ngiti ko nang papasok na kami sa boutique pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang mukha ni Korea sa labas ng shop.

"What the.." I am out of words. As in---WALA AKONG MASABI!

She didn't tell me na nag sign siya ng contract sa brand na 'to to be their model?! What the hell?! Hindi ko 'to matatanggap!

"Bakit? Ano'ng problema?" Tanong ni Jazz nang mapansin ang pagkatitig ko ro'n sa picture ni Kori-Kori the bitch.

"Yang babaeng 'yan. Feeling n'ya dahil siya ang model ng brand na 'to, marami na ang bibili?! Ha! Mas lalo lang silang malulugi! Tingnan mo nga ang mukha ng babaeng 'yan o, kunwari gandang-ganda sa bag! Eh parang kelan lang sinabi n'yang peke 'yung bag ko! Eh, ito 'yung brand ng bag ko! HAHAHAHAHA! Oh my ghad! This is so funny! Jazz-look at her face! HAHAHAHA!" Natatawang sabi ko habang tinutulak-tulak pa siya sa kanyang braso dahilan para muntik na itong ma-out balance.

Nakakunot-noo lang itong nakatingin sa akin. 'Yon bang para sa kanya walang nakakatawa sa sinabi ko.

"Ang ganda kaya ng ate mo. Ang sabihin mo, inggit ka lang!" Sigaw nito sa tenga ko.

Agad namang nawala ang ngiti sa mukha ko at agad na napatigil sa pagtawa nang sabihin niya 'yon.

"Ano? Ano'ng sabi mo?!"

"Insecure ka. Duh, bungol? Bungol ka beh?"

Napakuyom naman ako ng mga palad at napatiim bagang na tiningnan siya ng masama. Halos mamula na ako sa galit.

"Uh-oh"

"JAAAAAAAAAAZZZZZZZ!!!"

"WAAAAAAAHHHHH!!!"

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon