Chapter 24

624 19 0
                                    

Permission

• Permission •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paris' POV

Kumakain ako ngayon ng breakfast kasama ang dalawa kong pabibong mga kapatid at syempre, si mommy.

"Habang tumatagal nang tumatagal, nagkakadevelopan na yata kayo ng lalaking 'yon ah?" Biglang sabi ni Kori habang tahimik kaming kumakain.

I just rolled my eyes at pinatuloy pa rin ang pagkain ko.

"Ngayon ko lang nga napansin, he has the looks 'ya know? He could be my partner sa isang fashion brand. They're searching for a male model to be my partner" Dagdag niya pa saka siya tumawa.

I know that she's referring to her new signed contract doon sa favorite kong pagbilhan ng bags that is also a fashion brand. Naiinis ako sa tono ng boses niya, pero kaya ko pang pigilan.

"And he looks so cute and handsome, siguro insaktong-insakto. Do you think bagay kami---?"

Agad ko namang inihampas ang dalawang kamay ko sa mesa saka tumayo.

"Why are you saying these? Pinapainit mo ba ang ulo ko?" Ngumisi naman ito.

"As if naman na naaapektuhan ka sa mga sinasabi ko my dear sister, also known as the greatest... Man hater? Hahahahahaha!" Pagdidiin niya ro'n sa naturang bansag sa akin.

"You---b*tch!" Lalapit na sana ako sa kanya para sabunutan siya pero napatigil kami nang sumigaw si mommy.

"Stop! Two of you! Lalo ka na Paris!" Naiinis akong tumingin sa kanya.

"What? At ako pa?! Siya 'yung nagsimula!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Wala akong pakialam kung sino ang nagsimula. Nasa hapagkainan kayo. Kayo ang pinakamatanda sa tatlo tapos 'yan ang ipapakita n'yo sa nakababata n'yong kapatid?" Napalingon naman ako kay London at ngayon ay nakaheadset na ito habang diretso lang ang tingin sa kanyang kinakain.

"Okay, but I'm really serious about that partner thingy, I'm gonna get him"

Pero imbis na bumalik ng upo, tumayo ako ng tuwid.

"Well, if you really want that to happen, you also need to ask for my permission. I'm his girlfriend anyways, and he's my boyfriend" Sabi ko saka kinuha 'yung bag ko.

I left them dumbfounded. 'Yon bang hindi sila makapaniwala na nasabi ko 'yon.

Palabas na ako ng dining area nang makita ko si Jazz na nakatayo lang do'n habang tulalang nakatingin sa akin.

Narinig niya ba kami kanina?

"What?!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Agad din naman itong nahimasmasan saka napailing-iling at ngumiti bago ako sinabayan ng lakad palabas.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon