Chapter 85

593 23 11
                                    

  • You bring out the best in me •   

Paris' POV

Sumakay kami sa sinabi ni Jazz na tinatawag daw na habal-habal. Mabato ang daanan at paakyat pa ito sa tuktok ng bukid. Grabe sobrang layo pala. Nakakapagod at nang tingnan ko ang oras, five o'clock na pala ng hapon kaya medyo maliwanag pa naman pero palubog na ang araw.

Ibinaba na kami sa sinakyang motor pero ang sabi nga habal-habal daw ang tawag doon. Isa-isa kaming habal-habal na sinakyan ni Jazz at babae naman ang nag drive sa akin. Sa dami ba naman ng mga dalahin namin, kaya ayon.

Nang makarating sa lugar nila ni Jazz ay para rin pala itong isang village. Oo malayo nga siya pero marami ang mga taong nakatira rito. Marami akong mga batang nakikitang naglalaro, mga babaeng kasing edad ko lang na may mga dala-dalang mga labahin at hindi rin naman ako bulag at bingi para hindi marinig at makita na pinagbubulungan nila kami at pinagtitinginan. Iyong iba nga binabati pa si Jazz nagpapatunay lang na kilala siya rito.

"Girlpren, malapit na tayo. Pagod ka na ba?" Tanong nito sa akin.

"Medyo, ang layo ba naman kasi ng binyahe natin."

"Sorry na, sana pala nagdala na lang ako ng kotse."

"Tapos ikaw naman itong napagod? Okay na, worth it naman lahat ng pagod natin sa byahe kasi nga nakarating na tayo rito." Nginitian ko siya kaya napangiti rin ito sa akin.

Tumigil kami sa tapat ng isang bahay. Maganda naman pala ito at sementado pa. May secondfloor rin ito at maganda ang pagkakagawa sa bahay. Ang layo nga sa in-expect kong parang maliit lang at gawa sa kahoy. Maganda naman pala at kung ikokompara ko ito sa mga ibang bahay sa paligid, ito ang umaangat sa ganda. Iyong ibang mga bahay kasi sa paligid mga gawa lang sa kahoy at iyong iba naman ay sementado rin kaso mas mataas at mas maganda naman itong sa kanila ni Jazz.

"Nandito na tayo."

Kakatok pa sana siya nang may narinig kaming matandang sumisigaw sa hindi kalayuan.

"Hoy, sino kayo?! Magnanakaw! Magnanakaw!" Paos ang boses na sabi nito habang itinataas pa ang kanyang itak kaya agad naman akong napasigaw sa takot at nagtago sa likod ni Jazz.

"Lo! Lolo! Kalma lang po!" Pigil sa kanya ni Jazz. "Ako po ito, si Jazz po!" Pagpapakilala ni Jazz.

"Jazz? Wala akong kilalang Jazz!" Nakita kong tumingin ito sa akin kaya mas lalo pa akong nagtago sa likod ni Jazz. Halos hindi na nga ito makadilat kaya nga siguro hindi niya agad nakilala si Jazz dahil sa pagkalabo na ng kanyang mga mata at sa katandaan na rin.

"Ineng? Ineng!" Tawag niya sa akin saka bigla akong niyakap. Natakot naman ako sa kanya kaya tiningnan ko si Jazz na para bang humihingi ng tulong pero panay lang ang tawa nito.

"Lolo, hindi po si Ineng 'yan! Eh, shota ko po 'yan lo! Si Ineng na anak niyo po na nanay ko, nasa syudad po at nagtatrabaho!"

Ewan ko ba pero parang natatawa ako kay Jazz kasi sinisigawan niya iyong lolo niya sa tainga nito. I don't find it disrespectful at all—damn, I just find it really funny I swear.

"Bakit?! Sino ka ba?!"

"Si Jazz po! Si Jazz!"

It took almost 10 seconds for him to respond. "Apo...? APO! HAHAHA!" Niyakap niya si Jazz at niyakap din siya nito. "Ikaw lang pala 'yan! Aba, pumasok na kayo! Ano pa ba ang ginagawa niyo diyan?! Pasok, pasok!" Pagyaya nito sa amin kaya natawa na lang kami sa kanya saka pumasok sa loob ng bahay nila ni Jazz at inakay naman kami ni lolo na Estong daw ang pangalan sa guest room. Bongga nga at may pa guestroom pa sila. Pinilit niya kaming magpahinga pero agad naman kaming tumanggi kasi kararating lang namin at aaminin man naming nakakapagod, mas gusto naming kausap si lolo Estong.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon