• Running away.. •
Paris' POVWe started to eat. Tahimik lang kami ni Jazz at pareho rin kaming parang walang gana sa pagkain. Lalo na, kung maririnig namin ang mga pinag-uusapan ng mga 'to.
"So, kailan ang kasal?"
"Soon, after grumaduate ni Paris in college. But, as early as possible pwede na nating pag planuhan ang kasal nila saka 'yong early enagagement party announcement." Nakangiting sagot ni dad sa tanong ng dad ni Jazz.
"Tingnan mo nga naman, itong si Paris pala ay nakita ko na noon pa sa school. Inakala ko pa nga noon ng girlfriend siya ng anak kong si Jazz, hahahaha! Pero, wala rin pala akong ideya na kaharap ko na pala noon ang magiging daughter-in-law ko." Matamis ang ngiti na pahayag ng mommy nito.
Sa aming lahat dito sa table, ako, my parents and Jazz, ay talagang natatahimik sa tuwing may pinag-uusapan sila na mas lalo pang nagpapa-awkward sa atmosphere lalo na kung tungkol sa amin ni Jazz.
"Noong una kong makita si Paris, I was mesmerized by her beauty. Kahit ngayon, mas lalo pa siyang gumanda." Jazper said than smiled at me. Magkaharap kasi kaming dalawa. Napaiwas ako ng tingin at napasulyap kay Jazz dahil katabi niya lang din naman ito.
Nakikita kong pinipigilan niyang umigting ang bagang niya. Sa pagkakakilala ko kay Jazz, he's very possessive when it comes to this kaya ang mga ganitong pag-uusap at wala man lang siyang magawa.. ay isa sa mga nagpapainit sa ulo niya. I can sense it. His eyes are burning eventhough he's not directly looking at me. Nakatingin lang siya sa plate niya at parang wala na yatang balak sumubo.
"Nagkita na ba kayo?" Tanong ni mom na parang ngayon lang nga yata nagsalita mula kanina.
Hindi ito sumagot pero ngumiti lang siya sa akin.
"Bagay kayo ng anak ko. Panigurado, maganda-gandang lahi 'to! HAHAHAHA!" Tawa ni dad na sinabayan din ng parents ni Jazz at ng kuya niya. Ramdam ko naman na hindi nakikisabay sa kanila si mom.
"Ilang apo ba ang gusto niyo?" Ngisi ni Jazper.
What the fuck? How can he ask questions like that?!
Nataranta naman akong napatingin kay Jazz at ngayon ay tuluyan nang umigting ang bagang nito. No, he should not hear this kind of topic.. please, tumigil na kayo.
"Gusto ko isang babae saka isang lalaki, sapat na sa akin ang dalawa." Nakangiting sabi ng mom ni Jazz na kung sa pagkakaalala ko pa, Ymarie ang pangalan.
"Ako, kahit ilan. The more the merrier!" Tawa ni dad na sinabayan na naman nila. Dad, this isn't funny!
"Pero, masaya ako na nakilala na kita, Jazper. Wow, my daughter really deserves a man like you. Saan ka nga ulit nag-aral? Harvard?" Tanong ni dad.
"Uhm, yes tito. I am currently studying at Harvard Business School."
Nagulat ako sa sinabi nito. A business school in Harvard? Hindi ko napigilan ang mapamangha.
"See? Bihira lang ang mga taong makapasok doon. Wow, hindi na kami nagkamali na ikaw ang gusto naming ipakasal sa anak namin. Good-looking guy, polite, and most of all.. smart."
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kay dad. Parang pinaparinggan niya kasi si Jazz sa tuwing binibigkas niya ang mga salitang iyon. Parang sinasabi niya na rin na, ang isang katulad ni Jazz, ay hindi bagay para sa akin.
Marami pa silang pinag-usapan. Lahat patungkol sa business. Hindi ko naman nagawang makinig kasi nakatuon lang ang buong atensyon ko kay Jazz na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaangat ang tingin sa akin. Dapat kasi hindi ka na lang sumama eh.
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...