• Stars •
Paris' POV
Nandidiri akong nakatingin sa mga teammates kong kumakain ng adobong frog? Geez! Halos nagtayuan pa ang mga balahibo ko nang marinig ko pa ang isa na nagsabing parang manok lang daw ito at hindi raw nagbibiro ang mga teachers dahil masarap naman daw talaga.
Tumayo naman ako at lumayo ng bahagya doon at sumuka sa isang gilid.
"Girlpren!" I heard him calling me. Hindi ko na siya pinansin pa dahil busy ako sa pagsusuka.
Naramdaman kong hinaplos niya pa 'yung likod ko pero wala na akong pakialam pa ro'n. Halos tubig lahat ng sinuka ko. Puro kase tubig 'yung ininom ko. At sobrang gutom na ako ngayon na to the point na nangangati na akong umuwi at salubungin ang kagaya nga ng sabi ni Jazz na malarestaurant naming mga pagkain. Ang nakakainis pa, naisuka ko pa 'yung mga kinain ko.
"Bakit ka ba kase nando'n?! Alam mo namang nandidiri ka tapos doon ka pa talaga tumambay!" Galit na sigaw nito sa akin at pinahiran 'yung bibig ko ng towel na hawak niya.
"I f*cking throwed up and then I am freakin' hungry! At wala ka man lang ginawa para pakainin ako! I'm your responsibility dahil na sa'yo ang lahat ng pera ko! Hindi mo ba alam na---"
"Kalma, okay? Alam kong stress ka na at gutom ka. Sorry na kung galit ka sa 'kin, pero kagaya nga ng sabi ko kanina, pasasalamatan mo rin ako, hehe. Tara, sumama ka sa 'kin" He said while smiling then he held my hand.
Hindi na ako umangal pa. Nagpahila na lang ako sa kanya kung saan niya man ako dadalhin. Pero habang tumatagal ay napapansin kong lumalayo kami doon sa lugar namin.
"J-Jazz, w-where are we going?"
"Tss, nautal ka pa. Para namang rereypin kita no! Asa ka pa"
Huh! At napasama pa!
"Just asking, tss"
May nakikita naman akong mini campfire doon sa dulo. Nasa gilid pa rin naman ito ng dagat pero medyo malayo doon sa lugar namin.
"You made that?" I asked him nang malapit na kami.
"Mmm-mm. Upo ka binibini" Sabi nito at inalalayan akong umupo sa medyo may kalakihang kahoy na halata naman talagang pinaghandaan niya lalo na ang lugar na ito dito sa maliit na campfire na ginawa niya.
Napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang narealize na napakaganda pala ng lugar na 'to. Ngayon ko lang narealize 'yun nang makaramdam ako ng peace of mind dahil na rin sa ambiance ng paligid.
"Nagustuhan mo ba?" Sabi nito at umupo sa tabi ko.
"Maganda dito. Tahimik at walang ingay. Unlike doon sa atin, maiingay sila. Mas mabuti pala kung tayong dalawa lang" Sabi ko saka napatingin-tingin ulit sa paligid.
Napansin ko naman na natahimik ito. Napatingin ako sa kanya at para na itong tangang nakangiti sa akin.
"Stop smiling like that, you're creepy"
"Sus, marunong ka rin palang magpakilig ano girlpren?" Nakangiting sabi nito at parang may kinuhang kung ano doon sa tabi niya.
Barbecue? Where did he get those?
"Saan mo nakuha 'yan?"
"Hindi na mahalaga 'yun. Alam ko kaseng gutom ka na. Buong araw kaya akong nakatutok sa'yo! Kung alam mo lang"
Itinuon niya ng bahagya ang barbecue sa apoy at hinintay naman naming maluto 'yon.
Nang maluto na nga 'yon ay kumagat siya ng isa do'n at binigay sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa na kunin 'yon. I'm so gutom na nga diba?
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...