Chapter 11

822 39 0
                                    

Couple Shirt

Jazz's Pov

Dinala ko siya sa horror train. Wala lang, gusto ko lang siyang dalhin do'n, malay niyo diba.

Pero bago kami pumasok do'n ay nakakita siya ng headband na may halo alam niyo na 'yung sa angel. Sinuot niya sa 'kin ang headband na may sungay ng demonyo na binili ko kanina sa divisoria at sinuot niya 'yung halo na headband sa kanya.

"I think this is a bad idea" Sabi nito matapos naming makasakay sa unahan ng horror train.

"Bakit? Natatakot ka noooo?~ Okay lang 'yan! Nandito naman ako eh!" Nakataas noo kong sabi sa kanya.

"Psh" Pagsusungit nito.

Mga isang minuto pa ang lumipas at nagsimula na itong umandar papasok sa parang horror cave kung saan may mga feeling aswang do'n na manggugulat sa amin.

Tahimik lang kaming dalawa habang nagsisigawan na ang mga tao sa likod namin.

"Jazz---let's go home" Kabadong sabi nito.

"Ano ka ba? Costume lang 'yan okay? 'Wag kang matakot sa kanila---"

"WAAAHHHH!"

"AYT! PUTANG*NANG BAKLA KANG PINAGLIHI SA KANAL!!!"

Napatayo pa ako sa kinauupuan ko nang may gumulat sa akin.

"HAHAHAHAHAHAHA!!!" Rinig kong tawa niya.

Hinubad ko 'yung sapatos ko at binato doon sa baklang tiktik kuno. Ayun! Sapul!

Umupo na ako habang naiinis pa rin pero napatigil din nang mapansin kong panay pa rin ito sa pagtawa. At talagang napapahampas pa siya do'n sa hita niya.

"HAHAHAHAHA! You're face--HAHAHAHA! Nakakatawa ka! HAHAHAHA!"

Natulala naman ako sa kanya. Para bang nag slowmo 'yung paligid habang tumatawa siya.

Ngayon ko lang siyang nakita at narinig na tumawa kaya siguro medyo nagulat ako. At.. ang ganda niya pakshet mapapamura ka na lang talaga tangna.

Napatigil din siya nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya.

Tumitig din ito sa akin. Nagtitigan lang kaming dalawa na para bang walang pakielam sa mundo at sa mga tao dito na kanina pa nagsisigawan.

Maya maya lang...

"WAAAAHHHH!"

"AAAHHHH!!" Nagulantang ito nang gulatin siya at alam niyo kung anong best part.

TADAAAA! YUMAKAP SIYA SA AKIN!

Sa ikalawang pagkakataon ay nagtitigan na naman kami.

"J-Jazz" Sabi nito at kakalas na sana sa akin ng higpitan ko ang pagkakayap sa kanya.

"L-let go of me"

"Mmm-mm, ayoko"

"Jazz!"

Mas lalo ko pang hinigpitan lalo.

"Haayyy! Aylabdis!"

Wala na siyang nagawa pa kundi manatili sa ganoong posisyon hanggang sa makababa kami do'n.

Matapos sa horror train ay dumiretso kami sa ferris wheel. Bale, magkaharap kami.

"Nakasakay ka na ba ng ferris wheel?" Tanong ko sa kanya.

"Ofcourse, but I'm afraid. Baka kase di safe dito"

"Ano ka ba! Kung di pala safe 'to edi sana nabalitaan nang may naaksidente rito! Wag ka kaseng matakot, nandito naman ako ah"

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon