Chapter 6

1K 41 1
                                    

Whistle

• Whistle •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paris' Pov

Is he damn serious?! He's actually crying like a child! Para siyang bata na inagawan ng lollipop. Hindi lang iyak na lumuluha pero literal na iyak na napapahagulgol pa!

"Stop crying! Baka sabihin pa nila na pinaiyak kita!" Sigaw ko sa kanya.

"I-ikaw kase eh! S-sinara mo 'y-yung p-pinto" Sabi niya na para bang nagsusumbong sa nanay niya habang tumataas-taas pa 'yung balikat niya.

Tuluyan ko nang kinuha ang ice bag na nilagyan ko ng ice cubes sa loob saka ako umupo sa tabi nito.

Gosh! I couldn't believe na magagawa ko 'to sa buong buhay ko.

Dahan-dahan ko 'yong inilagay sa kamay niyang namumula at nagulat naman ako nang bigla siyang sumigaw.

"WAAAAHHH!!!"

"AHH!! F*CK NAKAKAGULAT KA!"

"HAHAHAHAHAHA! Ang kyut mo!" Halakhak niya saka niya kinuha sa akin ang ice bag at humahalakhak pa rin na ipinatong 'yun sa kamay niya.

So, palabas lang 'yun?!

"Ang galing ko ba? Taena, oo nga oh! May lumabas talagang luha shet ang saya ko! Pwedeng-pwede na 'kong mag artista! Ano sa tingin mo?" Nakangiti nang tanong niya sa akin.

Damn! He's----unbelievable! How can he do this!? How can he act everything out tapos ako naman itong nag-aalala nang walang dahilan! Sh*t siya! SH*T!

"You know what?! Nakakainis ka na! Everything about you is nakakainis! Ano ba ang kailangan kong gawin para lubayan mo na 'ko?! Ha?! Ang sakit mo sa ulo! Iniistress mo 'ko! Naiinis ako kapag nandiyan ka palagi! Naiinis ako sa tuwing nakikita ko 'yang pagmumukha mo! Ang hirap nang magtimpi! Ayoko na!" Hingal na hingal kong sabi sa kanya pagkatapos kong tumayo.

Dahan-dahan din itong napatayo pero napaslow clap siya. Napapailing pa ng ulo 'yun bang parang judge sa isang contest tapos biglang napa-standing ovation? Is he kidding me again?

"Ang galing mong umarte! Tara! Sabay tayong mag-audition!" Masayang sabi nito.

"F*ck! I'm damn serious here!"

"Tsk, makapagsalita ka kase parang antagal na nating nagsama! Hoy, ipapaalala ko lang na kahapon palang ako nagsimula! Tss, ikaw talaga andami mong sinasabi tapos ang aga-aga ang high blood mo. Maupo ka nga muna" Sabi nito saka ako hinila pabalik ng upo.

I glared at him. He's just smiling at me.

Paano niya ba ako natitiis? Ginawa ko na ang lahat ng pagsusungit at lahat ng mura yata nasabi ko na sa kanya but he still managed to smile at me like that? Ano ba ang kinakain niya sa bahay nila o di kaya ang vitamins niya kaya siya nagkakaganito?

"Ngapala," Sabi nito saka may kinuha sa bag niya.

Whistle na nasa isang manipis na ID cord. Isinuot niya 'yun sa akin.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon