Chapter 86

632 20 1
                                    

Endlessly

Paris' POV

"Ano raw ba kasi ang nangyari?"

Kinain ko ang pizzang hawak. "She had been deported from her agency. May mga fake news kasi na kumalat tungkol sa kanya na sumira hindi lang sa image niya pati na rin sa image ng agency'ng pinagtatrabahuhan niya." Simpleng sabi ko.

"Gano'n? Kawawa naman ate mo."

"Talaga, kaya kung magiging artista ka sa huli, baka gano'n din ang mangyari sa 'yo."

Ininom niya ang kanyang coke in can. "Hindi naman siguro, saka baka hindi na ako matuloy."

Napabangon ako sa kanyang sinabi. "Hindi matuloy? Ayaw mo na? Ayaw mo nang maging artista? 'Di ba pangarap mo 'yon?"

Napakibit-balikat siya. "Ewan, kailangan kong maging praktikal. Kailangan ko ng maayos na trabaho sa huli para sa future ko, sa future natin."

Pinigilan ko ang mapangiti saka binalewala na lang ang huli niyang sinabi kasi masyadong seryoso ang pinag-uusapan namin ngayon.

"Pero seryoso, ayaw mo na talaga?"

"Hays, syempre gusto, pangarap ko 'yon eh. Pero, bahala na. Mas importante 'yong tayo." Sabi niya saka ako nginitian. I smiled back saka ako humiga ulit sa balikat niya habang siya ay nakaakbay sa akin.

Nandito kami ngayon sa may kwarto habang kumakain ng pizza saka umiinom ng coke. Nanonood din kami ng mga movies habang umuulan sa labas.

"Pero, naaawa ako sa kanya."

"Ayiiiieee!~" Patutukso niya sa akin.

"Anong ayiiiee? Bakit ayiieee?"

"'Di ba nga hindi kayo magkasundo na dalawa? Kaya, ayiieee." Simpleng sabi niya.

"Tss, pero seryoso. She arrived yesterday without a notice. Umiiyak siya, haggard ang face niya, dala-dala niya lahat ng mga gamit niya, she's drunk and she seems like hopeless! She's still my sister anyways kaya ako naaawa." Kwento ko. "She's feeling down and did not even bother to eat—anything. I'm kinda worried, at mas gugustuhin ko na lang na makita ang Kori na nakakairita na ansarap sabunutan!" Sabi ko at kunwari pang sinabunutan ang hangin.

Natawa siya. "Tss, ang harsh ha. Pero, alam mo? Kung ganyan ang pinagdadaanan ng kapatid mo, may posibilidad na baka ma-depress siya o ano. Kailangan mo siyang tulungan, kung maaari dalawa kayo ng kapatid mong si London bridge. Pagaanin niyo 'yong pakiramdam niya, i-cheer niyo siya, iparamdam niyo sa kanya na kahit ano'ng mangyari, nandiyan pa rin kayo palagi sa likod niya at susuportahan siya kahit ano pa ang gawin at sabihin ng iba. Iparamdam niyo sa kanya at kung maaaring sabihin niyo na rin na.. mahal niyo siya."

Ako na naman ngayon ang natawa. "Ha! Talaga lang ha? Try mo kayang sabihin 'yon sa kanya! Sige nga, kung kaya mo."

"Ako pa? Syempre kaya ko!"

"Eh, kung sipain kita sa itlog mo? Kaya mo?"

"'Yon nga lang." Lumunok ito ng laway saka nilamon ng buo ang pizza.

I crossed my arms. "I still hate her. Sa tuwing naaalala ko ang mga pag-aaway namin, gusto ko siyang sugurin doon sa kwarto niya at i-take advantage ang pagkakataong wala siyang lakas at laban! BWAHAHAHAHA!" Tawa ko at talagang napapalakpak pa.

"Luh, katakot 'to. 'Wag gano'n, maawa ka naman sa tao."

"Tss." Sabi ko at biglang nag-ring ang cellphone ko. Bago ko pa iyon sagutin ay inagaw muna iyon ni Jazz saka inilayo sa akin. "Sino 'to?"

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon