Chapter 38

553 18 0
                                    

Promise

   • Promise •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paris' POV

Medyo na a-awkward pa akong gumalaw lalo na sa ganito ka-crowded at karaming mga lalaki na lugar pero hindi ko 'yon pinapahalata. Sinusubukan ko ang sarili ko kung kaya ko bang tumagal sa lugar na 'to even if Jazz is not around.

Mas nadagdagan lang ang pagkailang ko nang ipakilala ako ni France sa mga barkada niya.

"Guys, si Paris ngapala, kaibigan ko. Siguro, kilala niyo naman na siya." Pag papakilala ni France sa akin. "Hi." Bati ko naman kahit nahihiya pa ako. Oh god, this is not so me.

"Woooaah! Tama ba ang nakikita ko? Si Paris, nag-hi sa 'kin?!" Hindi makapaniwalang sabi ng lalaking medyo kulot ang buhok at may brown na mata. Halatang may lahing banyaga.

"Syempre, sino ba naman ang hindi makakakilala sa pinakamagandang babae sa school natin? Nakakapanibago nga lang kasi, simula noong araw nang makita kita ngayon palang kita nakaharap nang ganito kalapit." Sabi naman nung lalaking may eyeglasses na may pagka-japanese saka ininom ang hawak niyang whiskey. Wow, isn't he too young to drink that? "Name's Reiji, by the way." Sabi nito at inilahad ang kanyang kamay.

Hindi naman ako kumibo at tiningnan ko lang 'yong kamay niya. Nag dadalawang isip kung tatanggapin ko ba 'yon o hindi.

"Ahh--HAHA! Medyo, hindi pa kasi sanay makipag---"

"No, it's okay." Pigil ko kay France nang ibababa sana niya ang kamay ni Reiji. Tinanggap ko na 'yon at bahagya naman akong napataas ng balikat nang marealize kong wala naman palang mali sa pakikipagkilala sa mga lalaki.

"Shet! Ako rin! Pa-holding hands din ako!" Sabi nung kulot saka hinablot ang kamay ko. Huli na para makatanggi pa ako dahil paulit-ulit itong nakipagkamay sa akin.

"My name is Saturn! But, you can call me anything you like. Sat, Turn, Babe, Baby, Sweetiepie, Honeybunch---"

"Hey, Sat. Enough, that is---too much." Pigil sa kanya ni France at medyo inilayo ako sa kanya. Pero para pa rin itong timang na nakangiti sa kawalan at parang wala sa sarili. Nailang naman ako bigla sa inakto niya.

"At, ito naman si Ethan. Knock out na, kanina pa kasi umiinom 'yan." Pakilala naman ni France sa lalaking nakahiga sa sofa at nakayakap sa walang laman na bote.

Hinarap naman ako ni France sa kanya. "Okay lang naman kahit tawagin mo ro'n si Jazz at sumabay siya sa atin dito." Sabi ni France.

Napabuntong-hininga ako saka napakagat sa labi ko. "It's alright, kaya nga ako sumama sa inyo kasi, ayaw ko siya gustong makasama." Nahihiyang sabi ko saka hinaplos ang mga braso ko.

"Sasama ka lang pala sa akin kapag ayaw mo naman sumama sa kanya." Bulong nito habang nagkakamot sa batok. Hindi ko naman 'yon masyadong naintindihan dahil sa lakas ng sounds. "What?" Tanong ko sa kanya. Sinagot niya lang ako ng mabilis na iling saka ngumiti.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon