Chapter 25

644 24 0
                                    

Pangarap

Paris' POV

Sumakay kami sa kotse ni Kori. Dumiretso kami doon sa location ng shooting na sinasabi niya. And for now, she will shoot a clothes for teen. Of course, kasama ang partner niya, si Jazz.

"Ito ba 'yung i-rerecommend mo?" The gay photographer asked while blinking his eyes thrice per second.

What is wrong with this guy--I mean this gay really? Pinagnanasaan niya ba si Jazz?

I just rolled my eyes in disgust then crossed my arms.

"Yes, and actually he is my sister's boyfriend. She just let me borrow her boyfriend just for this day" She said habang diniinan pa 'yung ibang mga salita.

"Ohhh! He actually looks so---handsome! What's your name?"

"HI! I'M JAZZ!" Sabi nito na parang isinigaw niya nga.

Muntik na akong matawa dahil nakangiti lang si Jazz samantalang 'yung photographer naman ay biglang nalukot ang mukha nang sumigaw ito.

Ooopps.. Turn off. Hahahahaha!

"Okay, let's start this para matapos na agad. Okay guys! Ms. Kecherz is here with her suggested partner! Get ready!" Sigaw nito doon sa crew niya.

May lumapit naman na dalawang babae sa kanila.

"We will do your make-up, ma'am and sir"

Napatingin sa akin si Jazz na para bang humihingi pa ng paalam sa akin.

"Just go" Ngumiti naman ito bilang ganti.

He's really happy, isn't he? Makikita mo naman sa mga ngiti niya, hayss.

Binigyan naman ako ng isang upuan at ilang minuto na lang ay magsisimula na sila.

Nasa gitna kami ng isang malapad na football field. I don't know kung saan 'to kase kanina habang nasa byahe kami ay nakatulog ako. Usap kase ng usap silang dalawa, hindi ako makarelate kaya ayon, I fell asleep.

Nagsimula na silang mag-shoot and hindi ko alam! Kung bakit! Ganyan si Jazz!

Si Jazz ba 'yan? No way. He's very different. Iniba 'yung pagkakaayos sa buhok niya, 'yung damit niya! Overall, he's very handsome and charismatic! His eyes were cold and fierce. Dagdag mo pa na sinasabayan din ni Kori.

Nakaupo si Jazz samantalang nakahiga naman sa hita niya si Kori, which I find so gross. Pero dahil hindi naman ako bingi, nakarinig naman ako ng mga samut-saring bulungan.

"Bagay sila no?"

"Oo nga, ang ganda tapos ang gwapo"

"Baka naman nag d-date na ang dalawang 'yan"

"Haha! Nakakatawa kayo! Tingnan n'yo nga o, 'yang model natin eh medyo mature na yata kompara doon sa kapares n'ya na mukha high school pa lang yata 'yan"

Napangiti ako sa nagsabi nung huli.

She's right. Hindi sila bagay. Totoo at hindi ko sinisiraan 'yung kapatid ko. B*tch, I'm only 18 and she's 23. And maybe, Jazz is just my age, HAHAHAHA! Now, I really find this so funny.

Nang matapos sila, nakita ko namang napapailing 'yung photographer. May kinausap siyang babae na maganda pero medyo may katandaan, parang si mommy lang. Tumango naman ito. Napansin niya naman yata na nakatingin ako sa kanila kaya pareho silang napatigil. May ibinulong pa 'yung gay photographer sa kanya at napatingin naman ako sa likod nang ituro ako nito. Tumango 'yung babae saka lumapit sa akin.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon