Chapter 28

604 20 0
                                    

Suka

Jazz's POV

Kanina pa 'ko nakatingin kay girlpren na umiinom doon sa bar counter. Akala ko ba uuwi na siya? Tss.

"I live alone, do you wanna come in my place?" sabi ng malanding nabingwit ko kaninang chicks.

"Ah---HAHAHAHA! Ayoko, uuwi na rin kase ako" Pag-ta-tanggi ko.

"Sige naaa~ We will do something... wild tonight" Nagsi-tayuan naman ang mga balahibo ko sa katawan lalo na sa leeg ko nang pumulupot ito sa braso ko.

"Tang*na bes, i-stap muna. Uuwi na 'ko" sabi ko sabay tanggal nung kamay niya.

"You're so cute"

"H-ha?"

Ngumiti lang ito at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

Lahat ng santo ay tinatawagan kong linisin ang aking pagkatao sapagkat ako po ay isang nilalang lamang na may inosenteng utak at may malinis na konsensya. Isa pa, wala po akong may inaapakang tao. Please, mag-padala po kayo ng tulong. Marami pong salamat.

"EH GAGO KA PALA EH!" sigaw ko sabay tulak sa kanya dahilan para mapahandusay siya sa sahig.

HAWAKAN BA NAMAN 'YUNG ANO KO! MANYAK! WALANG AWA! MAKATI! YAK!

"Aray!" sigaw nito. Medyo lasing na rin kase siya.

At bago pa lumapit ang bouncer ng bar para palabasin ako ay agad ko namang naisipan na lumapit kay girlpren.

Medyo malayo pa siya sa akin pero tanaw ko siya mula rito. Napatigil na lang ako nang makitang magkatabi na sila ni Marasigan. Halatang lasing na lasing na si girlpren, kanina pa kase siya nag-iinom.

Kinakausap siya at inaalalayan ni Marasigan at nagulat naman ako nang hawakan siya ni girlpren sa kanyang mukha at inilapit 'yon sa kanya kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit.

Nang makalapit ako ay agad kong hinila si girlpren patayo.

"Ano bang problema mo?! Ha?!" sigaw ko kay Marasigan. Hindi pa naman siya mukhang lasing kaya matino pa naman siguro siyang kausap.

"Tss, ikaw nga yata 'tong may problema eh. Ano bang ginawa mo sa kanya? Bakit siya nagkaganyan?"

"Pinagsasabi mo? At kung meron man, labas ka na ro'n! Pakialamero! Uwi na tayo girlpren" Bulong ko kay girlpren saka ko siya isinakay sa likod ko. Babayaran ko pa sana 'yung mga alak na ininom niya nang pinigilan ako ni Marasigan.

"Nabayaran ko na. Birthday treat, 'ya know? Ikaw? Hindi ka ba babati sa 'kin?" Nakangising tanong niya. Nginisihan ko rin siya.

"Happy birthday, matanda ka na malapit ka nang mamatay, hayup ka" Bulong ko matapos ko siyang talikuran.

Lumabas na kami ni girlpren sa bar at dinala ko naman siya sa malapit na plaza.

"Taena! Ambigat mo!" sigaw ko sabay baba sa kanya sa isang bench.

Napahawak naman ako sa bewang ko sabay buga ng hangin. Napatingin naman ako sa kanya.

"I'm cold~ mmm"

"Giniginaw ka? Maginaw?!"

"Mmm"

"Tss"

Napatingin naman ako sa paligid. Nakakita ako ng dyaryo. Napangisi ako at kinuha 'yon. Binuklat ko 'yon at kinumot sa kanya.

"Oha! Grabe, napaka-resourceful ko talaga! Alam mo bang best in GMRC ako noong grade school?! Alam kong wala 'yong ka-konek-konek pero, grabe lang talaga! May good manners pa rin talaga ako until now! I deserve an award!" Proud na proud na sabi ko sa kanya.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon