• Madaya •
Paris' POV
"Pwede ba? Umalis ka sa dinadaanan ko?" Mahinanon na sabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Matagal na raw siyang may gusto sa akin pero ngayon ko lang siya nakita. Mukha siyang adik at ang kapal pa ng mukha niyang umamin sa akin sa gitna ng corridor sa harap ng maraming tao.
"Paris naman, matagal na kitang gusto at 'wag mo naman akong tanggihan ng ganyan. Wala pang babaeng kailanman na tumanggi sa lalaking tulad ko." Halos hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Naku, Paris! Break-an mo na si Jazz at ipalit mo na si Rolan sa kanya! HAHAHAHAHAHA!" Tawa nung isang lalaki na kapwa rin namin estudyante.
Tss, hindi naman naging kami ni Jazz. Saka, Rolan is his name?
"Umalis ka na. Wala akong panahon para sa'yo." Pag tataray ko pa at aalis na sana nang hablutin ako nito sa braso at hinila papalapit sa kanya.
"Babe naman--"
"'Wag mo akong ma-babe-babe!" Sigaw ko pa sabay hablot ng braso ko. Nakita ko namang tumatakbo papalapit sa amin si France at hinila ako papalapit sa kanya.
"Ano ang nangyayari rito? Paris, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"I'm fine." Sagot ko naman.
"Uy, France! 'Wag mong mahawak-hawakan babe ko ha!" Sabi pa nung adik at aagawin pa sana iyong braso ko nang inilayo na naman ulit ako ni France at itinago sa likod niya.
"Rolan, alam mo namang ayaw ng tao na hinahawak-hawakan siya--"
"Tapos sa'yo pwede? Tss, eh sino ka ba ha?! Kung hindi ka naman anak ng supervisor hindi ka naman makakapasok sa eskwelahang 'to ah! Palibhasa, pasikat ka masyado! Anak nga ng supervisor, bobo ka naman." Ngumingisi pang sabi niya.
Teka, bakit naman niya isinali si France rito?!
Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa akin ni France. Naiinis ko iyong ikinalas at pumagitna sa kanila at hinarap iyong gagong Rolan.
"'Wag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan!" Sigaw ko sa kanya.
"O, talaga ba? Bakit? Bakit mo siya ipinagtatanggol? May namamagitan ba sa inyo?"
"Kaibigan ko siya! Kaya manahimik ka diyan gago kung ayaw mong bangasan kita sa mukha mo!" Galit nang sigaw ko at pinipigilan naman ako ni France.
"Aba, tapang mo rin ah. Gusto kita pero 'di ako patay na patay sa'yo, ha? Kaya kitang patulan." Mayabang na sabi nito. "Saka, ano lang naman ba nagustuhan ko sa'yo? Maganda ka lang naman. Pangit nga ng ugali mo, eh. Saka, ni wala ka ngang dede pero okay na, mapagtitiisan pa naman." Agad na umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko sa sobrang inis.
"YOU PERVERTED SON OF A BITCH!"
Nag-init bigla ang mukha ko at para ko siyang torong sinugod at pinagsasabunutan sa inis. Pinaghahampas at pinagsisipa hanggang sa mapaupo siya sa sahig. Panay naman ang cheer ng mga estudyante sa paligid.
Inangat ko iyong tingin niya gamit ang ulo niyang sinasabunutan ko pa rin.
"Don't you ever dare show up again! Understand!?" Naiinis na sigaw ko sabay bitaw sa buhok niya at naiinis na umalis.
Na-stress ako ng todo sa kanya! Nakakainis naman kasi eh! Kami lang iyong may alitan doon tapos isasali niya si France?! Nasaktan pa yata tuloy iyong tao dahil sa sinabi niya!
"Paris!" Napalingon naman ako nang may tumawag sa akin.
"Ano raw 'yon? Okay ka lang? Nakita ko ang nangyari." Hindi naman ako nakasagot sa kanya. Halatang hinabol niya ako dahil nahihingal siya.
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...