Chapter 79

694 14 5
                                    

Paninibugho

Paris' POV

"Bye, kita na lang tayo maya." Paalam ko sa kanila ni Chez at pumasok na ako ng tuluyan sa library para kopyahin ang mga notes sa math na maya na rin i-checheck ng teacher namin. Dahil ito ang pinakaayaw na subject ko, malamang tamad din ako dito kaya wala akong masyadong nacopy na mga notes.

Umupo ako sa part ng library kung saan wala ni isang may nakaupo doon pero nakaharap sa mesa ng librarian na masungit.

Nagsimula na akong kumopya kasi marami-rami din 'to. Wala rin naman kami masyadong klase ngayon kasi nga tapos na ang final exam at ilang linggo na lang, graduation na namin.

Matapos ang isang oras ay recess time na pero kalahati palang ang naisusulat ko. Napainat ako nang dahil sa pagod. Ang sakit na ng kamay ko saka inaantok pa ako. Hindi pa naman ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi.

"Ano ginagawa mo?" Napaangat naman ako ng tingin sa nagsalita. Si Jazz lang pala at humila ito ng upuan sa tabi ko saka doon din umupo.

Kinuha nito ang notebook na sinusulatan ko saka tiningnan iyon. Tumango-tango ito ng dahan-dahan saka tiningnan ako. "Pagod ka na? Masakit na kamay mo? Kanina ka pa rito? Siguro gutom ka na noh."

"Oo, nangangalay na nga ang mga kamay ko eh." Busangot ko saka minasahe ang mga daliri at palad ko. Natigilan lang ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko saka pinisil-pisil at minasahe iyon.

"Kawawa naman kamay mo, dapat ang ganito kagandang kamay hindi pinapagod." Nakangusong sabi niya saka napatitig sa akin. "At ang babaeng may ari ng kamay na 'to, ay hindi dapat saktan at dapat lang din na alagaan." Seryosong sabi pa niya. Natulala lang din ako and at the same time ay napatitig lang din sa kanya.

Hinalikan niya na naman ang kamay ko habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Ang tibok ng puso ko, malakas pero dahan-dahan. Sa tuwing nangyayari 'to o sa tuwing ginagawa 'to ni Jazz sa akin, bawat segundo para akong nagpipigil ng hininga.

"Ano'ng ginagawa niyong dalawa?" Napalingon kami sa nagsalita at agad ko namang binawi ang kamay ko nang mapagtanto kong nasa harap pala kami ng librarian nakapwesto.

Napaiwas ako ng tingin kay Jazz lalo na sa librarian na matalim na ang tingin sa amin. Lumayo ako ng konti kay Jazz pero iyong mokong mas inilapit pa lalo iyong upuan niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin kay miss kasi hanggang ngayon masama pa rin ang tingin niya sa amin.

"Jazz, umusog ka nga." Bulong ko sa kanya.

"Eh, sa gusto kitang katabi, bakit ba?" Pagmamatigas niya.

Napapikit naman ako. "Magkatabi naman tayo eh. Medyo lumayo ka nga lang kasi masyado ka nang malapit." Siko ko pa sa kanya.

"Alam niyo namang bawal ang PDA dito sa school at lalong-lalo na dito sa library ko. Ano'ng ginagawa niyo?" Mataray na sabi nito na napalakas pa yata dahilan para mapatingin din sa amin ang ibang mga tao na nandito rin sa library.

"Pakialam mo ba, makaangkin ka eh hindi naman sa'yo 'tong library." Bulong ni Jazz.

"Ano'ng sabi mo?!"

"La, ang sabi ko ang ingay mo." Bulong pa niya kaya sinuway ko siya. "Tama na, 'wag ka nang sumagot." Napanguso lang ito.

"Maglampungan pa kayo't isusumbong ko na talaga kayo sa mga advisers niyo na ganyan ang ginagawa niyo rito sa library." Banta pa nito kaya napayuko na lang ako saka napatahimik. Ito namang si Jazz panay ang pagmakeface.

"Tumigil-tigil ka nga, pagalitan ka pa niyan eh." Suway ko na naman sa kanya.

"Tss, pag-isipan mo rin kaya kung anong oras ka titigil diyan? Gutom ka na, tara kain na tayo." Sabi nito saka hinila-hila ang laylayan ng damit ko.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon