• Hayaan •
Paris' POV
Kanina pa ako nagugutom. Hindi ko matawagan si Jazz, lowbat siguro phone niya kaya gano'n. Nag tanong-tanong na lang ako sa mga kaklase niya kung nakita man siya at ang sabi, nakita raw kanina papuntang garden.
Doon sa garden na tahimik? Iyong garden na doon kami nag-aral?
Hindi na ako nag dalawang isip pa na pumunta ro'n. Hindi rin naman ako nabigo kasi naabutan ko siya kumakain ng biscuit habang tulala.
Problema nito? Mukha na naman siyang timang. Palagi na lang kapag nandito siya.
Lumapit ako at umupo sa harap niya. Inagaw ko 'yong hawak niyang biscuit saka kinain 'yon. Huli na nang mapagtanto niyang nakaupo na ako sa harap niya. Parang wala talaga siya sa kanyang sarili.
"Hey, gutom na 'ko. Bumili ka nga ng pagkain do'n, tapos dito na tayo kumain." Utos ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako saka siya napabuntong-hininga.
"Lumandi ka na." Nagtaka naman ako sa biglaang sinabi nito. "Ano'ng sabi mo?" Tanong ko naman sa kanya.
Humugot na naman ito ng isang malalim na hininga saka ako tiningnan sa mata.
"Nakalimutan ko na yata iyong purpose talaga ng trabaho ko sa'yo." Napangisi ako sa sinabi niya. "Wow, purpose? Spell mo nga." Natatawa pang sabi ko pero napa-tsk lang ito.
"Hindi ako nag bibiro, Paris." Bahagya pa akong nagulat sa pag tawag nito sa pangalan ko. Nakakapanibago lang talaga saka hindi ako sanay.
Napaayos na ako dahil halatang seryoso siya. "What are you talking about ba?" Tanong ko.
"Iyon nga, eh bakit ba ako nag ta-trabaho sa'yo? Diba, para sanayin ka sa mga lalaki at ang first step nun ay sa 'kin, pangalawa sa iba naman. Pero higit apat na buwan na akong nag ta-trabaho sa'yo, iyong ginawa ko pinagdamot lang kita sa iba na hindi naman dapat." Mahabang paliwanag niya.
Ano ba ang pinagsasasabi niya? May relate ba ito sa pinag-usapan nila ni dad? Or ngayon niya lang talaga narealize ang mga kaabnuyan niya?
"So, ang gusto mong sabihin...?" Tanong ko sa kanya. "Mag landi ka sa iba." Dugtong pa nito. Napangiwi ako sa word na landi. Iyon pa naman ang word na ayaw na ayaw ko.
"Ang pangit naman pakinggan ng landi. Pero ano ba, gusto mong maki-Hang Out ako sa iba pero 'di mo ako pipigilan?" Talagang diniinan ko pa ang isang salita ro'n.
"Oo, iyon nga. Malapit na ring matapos ang kontrata ko kaya dapat ngayon, sanayin mo na ang sarili mo sa ibang mga lalaki." Hindi ko alam pero may something akong naramdaman nang sabihin niya 'yon. Parang, kaba? Ni minsan hindi ko naisip na papalapit na ang pag tatapos ng pag tatrabaho niya sa akin. Siguro, 'pag hindi na siya nag tatrabaho, maraming mag babago. Makakapanibago. Papansinin niya pa rin kaya ako? Tatawagin niya pa rin kaya akong girlfriend? Sasamahan niya pa rin kaya ako kung sasabihin kong gusto ko ng kasama, kahit hindi na siya nag tatrabaho sa 'kin?
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...