Chapter 61

570 17 6
                                    

• I love you •

Paris' POV

"Mamaya? Kita na lang tayo sa may football field. Sa bleachers mamayang dismissal." Sabi niya sabay ngiti. Tumango lang ako sa kanya saka na siya nagpaalam na umalis.

Gagawin niya raw akong model para sa gagawin niyang article for the school paper. Ewan ko ba kung ano iyon kasi hindi naman ako masyadong nakinig kanina sa sinabi niya kasi nga lutang ako kaya um-oo na lang ako.

Dumiretso na ako sa classroom at umupo sa seat ko. Wala pa naman iyong teacher namin kaya humiga muna ako sa aking armchair. Maya pa, may kumulbit sa akin.

"Paris." Napaangat ako ng ulo at nakitang si Caroline pala iyon.

"Okay ka lang? Parang, matamlay ka yata. Kakasimula palang ng taon tapos parang wala ka sa mood." Sabi niya sa akin. Umayos na rin ako ng upo at malungkot siyang tiningnan.

"She's back." Iyon lang ang nasagot ko sa sinabi niya. Hindi naman slow si Caroline para hindi magets ang dalawang katagang sinabi ko kaya agad na nagbago ang expression ng mukha niya.

"Really? As in?" Tumango lang ako.

"So? Eh, ano ngayon? As if naman na sila ni Jazz. 'Di ba nga, ex na siya ni Jazz? O, eh ano pa ba ang pinag-aalala mo." Umiling ako.

"Mag ex? Pero nagyakapan sila, kitang-kita ko halatang.. miss nila ang isa't isa." Sabi ko habang pinipigilang hindi pumiyok ang boses ko. "Tapos, kanina sabay kaming pumunta rito. Nakasalubong namin si France at gusto akong makausap ni France kasi may sasabihin siya sa akin, pero hinayaan niya lang kami at nakangiti pa siyang umalis. Oo, minsan--palagi niya akong pinapalayo kay France at nagagalit siya pag magkasama kami.. pero kanina.." Hindi ko na matuloy iyong sasabihin ko kasi tumulo na iyong luha ko.

Hinaplos niya ako sa likod sabay yakap sa akin. "Ang sakit namang makita kang umiiyak nang dahil sa lalaki. Sorry rin, siguro isa rin ako sa mga dahilan kung bakit umasa ka sa lalaking 'yon. Namali rin pala ako ng akala. Kung hindi lang sana kita pinush sa feelings mo para kay Jazz, hindi ka rin naman masasaktan nang ganyan."

"Wala kang kasalanan, kahit hindi mo rin naman pinarealize sa akin 'yon, hindi ko rin naman aaminin sa sarili kong may nararamdaman ako para sa kanya. Siguro, tama lang itong nangyari sa akin. I've been hating guys all of my life and I think ito 'yong karma sa akin, ang saktan din ako ng kauri nila." Mahabang sabi ko.

Inangat niya ang tingin ko at pinatahan ako. "Hindi naman sa gano'n. Talagang, part lang 'yan ng love. Hindi lang puro masaya ang love, at hindi 'yon matatawag na love kung walang sakit at kirot. Kaya, normal lang talaga 'yan kapag nagkakagusto ka sa isang tao." Sabi niya pa sa akin.

"Don't worry, you'll get over him. Not now but, soon." Nakangiting sabi niya at pinapagaan ang bigat na nararamdaman ko.

"As if it was that easy. It is even hard to get rid of him. He's just around me at 'yon ang mahirap. Hindi niya rin kasi alam na sinasaktan niya ako kaya wala siyang idea kung ano ang nangyayari sa akin at kung ano ang nararamdaman ko." Paalala ko sa kanya.

"Basta, sasamahan kita palagi, ako bahala sa'yo." Sabi pa niya saka ako nginitian.

Nang mag dismissal ay lumabas ako ng classroom. Papunta na ako ngayon sa football field at madadaanan ko ang classroom ni Jazz. Napatigil naman ako sa paglalakad nang mamukhaan ang babaeng naglalakad sa gitna ng hallway. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante lalong-lalo na ng mga kalalakihan kaya nahihiya itong napayuko habang naglalakad.

Humigpit ang hawak ko sa aking bag. Naiinggit ako sa kanya. Dahil aaminin kong maganda talaga siya saka babaeng-babae. Naka-baby pink pa siya na dress at napatingin ako sa sarili ko. Nakashirt lang ako, jeans saka heels. Kaya nga siguro hindi ako nagustuhan ni Jazz kasi iyong mga tipo niya ay iyong mga babaeng mga pa-inosente saka pabebe, tss.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon